Sun.Star Pampanga

LODI SI DADDY

-

EUNICE C. GALANG

Sa tuwing sasapit ang araw ng Biyernes ay makikita mo sya sa Library o sa harap ng Open High room sa dahilang inaalalaya­n niya ang anak niyang si Michael Stephen T. Bacani, isang Grade 7 na sa kasalukuya­n ay naka enroll sa One High School Program sa kadahilana­ng hindi madali para sa kanya ang pumasok ng regular dahil sa kanyang pambihiran­g sakit na kung tawagin ay Hemophilia.

Si Daddy Orlando ay pumapasok din sa tuwing papasok si Stephen. Kailangan niyang antabayana­n ang kanyang anak, mahirap kasi para kay Stephen na kumilos mag-isa. Hindi lang umaalalay si Daddy Orlando, sinisigura­do din niya na ang kanyang anak ay hindi masasaktan o masugatan man sa dahilang mahirap at matagal itong maghilom.

Sang ayon sa aming pag-uusap ni Daddy Orlando ang taong may Hemophilia ay kinukensid­era naring PWD (Person With Disability). Ang gamutan sa kanila ay nakasalala­y sa timbang ng pasyente. Mas mabigat ang pasyente mas malaki ang gastos. Kaya pala ilan sa mga kakilala ko sa listahan ng kanilang samahan ay may balingkini­tan na pangangata­wan.Dapat pala nilang i-maintain ang kanilang ideal weight.

Dito sa Pampanga ay mayroong aktibong samahan ang mga may kapansanan ng Hemophilia. OO nga naman kailangan nila ang isa’tisa para kanilang Support Group. Sa ngayon ay 17 na sila na may Royal Blood Disease ( ito ang tawag nila sa kanilang sakit). Nakakatuwa nga si Daddy Orlando, talaga namang hindi siya humihinto sa pagshare tungkol sa pambihiran­g sakit na ito gaya ng hindi siya nagsasawa sa pag-alalay sa kanyang anak. Sa tingin ko kaya niyang i-give – up ang lahat masamahan lang si Stephen sa bawat araw.

Naki-usap din si Daddy Orlando na tulungan siyang ibalita ( dissiminat­iion of informatio­n) ang pambihiran­g sakit na ito para maunawaan natin ang kalagayan nila.

Gusto ko pong maki-isa sa adbokasiya ni Daddy Orlando kaya kung ang kapitbahay mo o kaibigan kaya ay may pambihiran­g sakit na ganito, ipa-enrol natin sila sa Open High Program para sila din ay matuto, magkaroon at madagdagan ng bagong kaibigan, maranasan ang normal na buhay at higit doon magkaroon ng magandang kinabukasa­n. — oOo— The author is PHS Open High Coordinato­r

Newspapers in English

Newspapers from Philippines