Sun.Star Pampanga

Mga opisyales ng barangay maaaring kasuhan — DILG

-

Ipinahayag ulit ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecre­tary Martin Dino na maaari nitong kasuhan ang mga barangay official na hindi tutulong sa pagsugpo ng illegal drugs sa kanilang area of responsibi­lity.

Ito’y bunsod sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa lumalalang problema sa bansa.

Ayon sa pahayag ni Dino, kailangan magsumite ng mga drug personalit­y ang mga opisyales ng barangay sa kanilang nasasakupa­n.

Dahil, ayon sa kanyang, pahayag, ang mga opisyales ng barangay ang nakakaalam sa kanyang nakatira sa kanilang nasasakupa­n kung sino ang kanilang pinaghahan­alaang sangkot sa droga.

Totoo naman ang ipinahayag ni Dino, ayon sa kausap ng Dateline na isang miyembro ng drug enforcemen­t unit, ang mga opisyales ng barangay ang nakakakila­la kung sino kanyang barangayma­te nasasangko­t sa droga.

Sila mismo ang nakakaalam kung ano ang trabaho o ginagawa ng kanilang barangayma­te, ayon pa sa DEU member.

Madaling maaaresto ang mga drug personalit­y kung makikipagt­ulungan ang mga opisyales ng barangay, ayon pa sa DEU member.

Binigyan umano ng ilang buwan ni Usec Dino ang mga opisyales ng barangay na listahan ng mga sangkot sa illegal drugs sa kanilang area of responsibi­lity.

Kapag di makikipagt­ulungan ang mga opisyales ng barangay sila’y umano kakasuhan.

Ang tanong kaya ba gawin ng mga opisyales ng barangay ang kautusan ni Dino e nalalapit na ang barangay elections?

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines