Sun.Star Pampanga

PGT issue, gusto nang tuldukan ni Angel Locsin

-

Hot topic kamakailan sa social media ang Kapamilya actress at Pilipinas Got Talent judge na si Angel Locsin.

Dahil ito sa di umano nila pagkakaint­indihan ng mga kapwa hurado sa top-rating Philippine franchise ng reality show na Pilipinas Got Talent kung saan kasama niya sina Vice Ganda, Robin Padilla at Kapamilya bossing na si Freddie Garcia.

Ani ni Angel sa panayam na ito ng PUSH at ABSCBN News sa taping ng PGT, nanatili ang pagiging solido ng kanilang samahan sa kabila nag pagkakaiba-iba ng kanilang mga opinyon.

“Yung comments ng kapwa judges, mahal na mahal ko kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa’t isa. Hindi kami nagbabastu­san, ganun lang kami talaga. Siniseryos­o lang namin itong ginagawa talaga,” bungad ni Angel.

Ayon sa aktres, dahil sa mahigpit na labanan ng bawat kalahok sa PGT, sineseryos­o nila ang pamimili ng deserving na contestant para manatili at magwagi sa kompetisyo­n.

“Ganun naman talaga dapat. Binigyan tayo dito ng opportunit­y para makapag voice out ng opinion, kami naman apat bukas naman kami kung ano ang opinyon ng isa. Talagang nirerespet­o namin ang isa’t isa,” aniya.

Seryoso man sa kanilang trabaho, nilinaw naman ni Angel na walang pikunan sa kanila ng mga kapwa judges.

Payo pa ni Angel sa mga susunod na performers ng PGT, pag-ibayuhin pa lalo ang kanilang gagawin na performanc­e.

“Siguro mas kailangan maghanda ng mga contestant­s kasi seryoso na ito talaga. Magagaling din ang ibang contestant­s kaya dapat magpakita sila ng kakaiba at pinakabest na performanc­e na maibibigay nila talaga,” saad pa niya.

Speaking of performanc­e, umiwas naman sa pagbibigay komento si Angel tungkol sa girl group na nag audition sa PGT na nakatangga­p ng red button X sa kanya.

Sa mga latest posts naman ng aktres sa kanyang Twitter, nanatiling positibo ang tema ng kaniyang mga tweets sa kabila ng isyu na naglalabas­an laban sa kanya.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines