RETORIKA: ANG SINING NG WIKA
JEFFREY L. SANCHEZ
Sa nalalapit na pagtatapos ng mga mag-aaral, isang malaking tanong ngayon kung mayroon nga ba silang natutunan?
Malayo na nga ba ang kanilang pinagkaiba sa mga taong hindi nagkapalad na makapagsuot ng toga at makatapak sa entablado?
Ang pangungusap ba nila ng/ sa Filipino ay nasa mataas nang uri o gayon pa rin tulad na ng saiba?
Ang kakayahan ng mga mag-aaral sa wastong pagpapahayag gamit ang wikang Filipino ay nakasalalay sa gramatika at retorika. Ang balarila ay sinasabing sistematikong pagsusuri ng uri at estruktura ng mga salita at ang kanilang pagkakahanay at pagkakabuo. Ito ang wasto at malinaw na pagpapahayag, pasalita man o pasulat, at ang kaalamang ito ang siyang susi sa mabisang pakikipagtalastasan.
Ang retorika, sa kabilang banda, ay sinasabing sining ng anomang diskurso. Ito ang maayos na pagpili ng mga wastong salita upang ganap na makapang hikayat, makapaglahad, makapagsalaysay at makapangatwiran. Ito ay naglalayong lalong mapataas ang uri ng pagpapahayag.
Unang dapat ma isa alang-alang ay ang mga wastong gamit ng salita. Anong pinagkaiba ng hagdan sa hagdanan, ng pinto sa pintuan, ng pahiran sa pahirin? Kailan gagamitin ang ngat nang, ang may at mayroon, at iba pa? Alin ang tama- ang baytang o baitang, ang bituwin, bituin o bitwin? Kailan magiging doon o roon, daw o raw, o kailan gagamitin ang doon o daw kahit na patinig ang sinusundan ng salita? Tama ba ang pahayag ni Pangulong Estrada na “Huwag ninyo akong subukan?”
Isa pang dapat pagtuonan ng pansin ang wastong bigkas at diin ng mga salita. Marapat na may sapat na karunungan ang mga mag-aaral sa ponemang supra segmental- ang diin at haba ng pagbigkas, ang antala at indayog ng salita, gayundin ang palatuldikan kung kailan magiging mabilis, malumay, malumi o maragsa ang pagbigkas ng mga salita. Maaaring magbago ang kahulugan o pahiwatig nito alin sunodsa kung anong kudlit ang ginamit.
Hindi maiiwasang talakayin ang mga idyoma at mga tayutay sa kung paano gagawing masining at may kariktan ang mgapahayag.
Ang mga matatalinghagang salita, gayundin ang mga simbolikal na pangungusap ay marapat namaisa alang-alang.
Ang pagpapahayag sa ganitong paraan ay nakapagpapataas sa uri ng salita o mensaheng naisipa batid. Iniiwasan ang paggamit ng salitang balbal, sa halip ay mga salitang pambansa o pampanitikan ang binibigyang-halaga. Ang pormalidad ng wika ang unangdapatnakinalulugdan.
Isa pa sasalik ng retorika ay ang kakayahan sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa talata at pagpapakahulugan nito.
Kailangang maalam ang mag-aaral sa mga bahagi ng pananalita, ayos ng pangungusap kung ito ay karaniwan o kabalikan, mga uri ng pangungusap, at mga kaugnay na aralin tulad nito.
Ang pagsasaling-wika ay hindi birong bagay na dapat kaligtaan. May mga simulaing dapat suriin bago makapagliwat. Ang isinasalin ay hindi lamang ang diwang nakapaloob, kundi maging ang kultura na na salikod ng wikang isinasalin.
Kailangan ang sapat nakakayahan sa parehong wikang sangkot bago mo maisakatuparan ang masining na gawain.
Sa ibabaw nang lahat ng ito, masasabi bang sapat na at maalam na ang mga kina uukulan sa ganitong karunungan? Ang kakayahan at kasanayan bang mga ito ay napasakamay na nila at handa nang gamitin sana pinili nilang propesyon? Tatanda ang sa pakikipag talastasan, pasulat man o pasalita, ito ay nangangailangan nang ibayong kaalaman at kasanayan. Sa kaganapan ng tunguhing maging mabisa, kaakit-akit at nasa mataas na uri ang anomang pahayag o sulatin ay kailangang maisangkap ang retorika sa pagkatito ang sining ng wika.
— oOo—
Ang may-akda ay Pansekundaryang Guro III sa Rafael L. Lazatin Memorial High School, Balibago, Lungsod ng Angeles.