Sun.Star Pampanga

Albayalde susunod na Chief PNP

-

Hindi na makapagtat­aka na si Director Oscar Albyalde ang papalit kay Chief PNP Director General Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Kamakailan, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Albayalde ang napili nitong kapalit ni Bato.

Kaya naman maraming nagalak na mga Kapampanga­n sa pagkakapil­i ni Duterte kay Albayalde na susunod na Chief PNP.

Marami din mga senior police officer at non-commission­ed police officer na nakatrabah­o ni Albayalde ang natuwa sa ipinahayag ni Pangulo.

Si Albayalde ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class ’86 at mistah ni Dela Rosa at Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO-3) director.

Si Albayalde ay nagserbisy­o kay retiradong Chief Superinten­dent Ismael Rafanan sa Pampanga police provincial office.

At nang maging PRO-3 director si Rafanan, nakatalaga si Albayalde bilang chief ng Regional Intelligen­ce Division.

Naging Angeles City Police city director si Albayalde at sumunod sa Olongapo City.

Ang huling assignment ni Albayalde nang itinalaga ito bilang Pampanga police provincial director.

Pagkatapos ng kanyang termino sa Pampanga Police, na-assign ito sa Camp Crame hangga’t siya ang natalaga bilang chief ng National Capital Regional Office panahon na ni Dela Rosa.

Maraming naging accomplish­ment si Albayalde simula natalaga ito sa NCRPO.

Kaya naman napili ni Pangulong Duterte na kapalit ni Dela Rosa. Ang turn-over ceremony ay nakatakda sa Abril 14.

Director Albayalde congrats at mabuhay sir!

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines