Sun.Star Pampanga

For the first time, Kapampanga­n ang magiging Chief PNP

-

Sa history ng Philippine National Police (PNP), sa pagkakaala­m ng Dateline wala pang naging Chief PNP na Kapampanga­n.

At nang ipinahayag kamakailan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang magiging next Chief PNP ay si Director Oscar Albayalde, maraming kababayan natin ang nagalak sa pagkakapil­i sa kanya.

Sabi nga ng mga Senior Police Officers, most qualified naman si Albayalde sa nabanggit na puwesto dahil halos di na yata natutulog sa kanyang trabaho bilang chief ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mag-iisang taon na rin chief ng NCRPO si Albayalde at hindi na rin mabilang ang kanyang big accomplish­ments mula nang siya’y maupo.

At dito marahil nakita ni Pangulong Duterte ang masigasig na trabaho ni Albayalde kaya siya ang kanyang napiling papalit sa kanyang trusted Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Matatandaa­n na ipinahayag din ni Duterte na si Bato ay itatalaga nito sa Bureau of Correction upang malinis ito.

Si Bato ay nagretiro na noong Enero, nguni’t pinalawig ni Duterte ang kanyang termino na kung saan sa darating na April 19 magkakaroo­n ng turn-over sa pagitan nila ni Albayalde.

Sa record ng PNP, karamihan ng mga naging Chief PNP ay pawang taga Region 1 at Region 4 mayroon din taga Region 3 kagaya ni Nicanor Bartolome na taga Tarlac.

Karamihan ng mga Media Personalit­y sa Pampanga ay kilala si Albayalde at para sa kanya trabaho lang.

Hindi siguro akalain ni Albayalde na Two Star ngayon ay magiging Four Star na siya.

Sabi nga sa Inyong Lingkod ng mga Senior Police Officer sa Camp Olivas, “Destiny” ni Albayalde na maging Chief PNP.

Ang Police Regional Office-3 (PRO3) Press Club ay bumabati sa inyo ng Mabuhay (Congrats).

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines