Sun.Star Pampanga

Sa pag-upo ni Albayalde inaasahan ang pagbalasa

-

Maraming nagtatanon­g kung sa pag-upo ngayon (Thursday) ni Director Oscar Albayalde bilang kapalit ni Chief PNP Director General Ronaldo “Bato” Dela Ro sa magkakaroo­n ng malawakang pagbalasa sa hanay ng mga provincial at city police director sa rehiyon.

Magkakaroo­n ng turn-over ceremony ngayon sa National Headquarte­rs sa Camp Crame na kung saan inaasahan dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi nga ng mga police officers sa Central Luzon, sa pag-upo ni Albayalde inaasahan na ang gagawin nitong pagbalasa sa mga provincial at City police director.

Kung baga iyong daw mga naupo noong panahon ni Bato ay maaaring ma-relieve sa kanilang puwesto.

Ito’y dahil sa pagretiro ni Bato at ang uupong Chief PNP ay Kapampanga­n.

Maaari daw ang mga naupo noong panahon ni Bato ay inaasahan palitan ng bagong Chief PNP.

Kaya naman ang mga dating nakatrabah­o ni Albayalde noong nasa Pampanga siya ay maaaring mabigyan ng tsansya magkaroon ng magandang puwesto sa PNP.

Hanggang sa kasalukuya­n ang mg miyembro ng Philippine Military Academy Class ’86 ang nabibigyan ng magandang puwesto.

Sa pag-alis ni Albyalde bilang director ng National Capital Regional Police Office, sino kaya ang kanyang kapalit?

Noong araw, matunog na si Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) na siya ang papalit kay Albyalde kung malalapit ito sa mataas na puwesto.

Kaya naman ang mga police officers sa Camp Olivas ay inaasahan na ang pagpuwesto ni Corpus as NCRPO chief.

Abangan po natin ang pag-upo...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines