Sun.Star Pampanga

ISANG MAHALAGANG PAALALA

-

ROSALIE P. OPPUS

Sa hudyat ng alas-kuwatro ng umaga, babangon na siya upang iluto ang almusal na pagsasaluh­an ng buong pamilya. Ihahanda ang baon ng mga anak na papasok sa eskwela. Matapos makapaglig­pit sa kusina, siya ay maghahanda sa pagpasok sa paaralan. Ilalagay ang sinulat na Lesson Plan at mga Instructio­nal Materials na kanyang inihanda para sa pagtuturo sa araw na iyon. Tila walang kapaguran si Ma’am samantalan­g inabot na siya ng hatinggabi sa pagtapos ng mga ulat na nakatakdan­g ipasa sa punong-guro. Pagdating sa silid-aralan agad-agad niyang ihahanda ang mga materyales sa pagtuturo. Pag patak ng ika 7:30 ng umaga sya ay magtuturo nang buong galing at sigla. Tanging Recess at Lunch break lang ang kanyang pahinga sa buong maghapong pagtuturo. Pagdating 4:00 ng hapon, matatapos ang pagtuturo ngunit ito ang oras ng paggawa ng mga reports, pag tsek ng mga papel at paghahanda­ng muli para sa susunod na aralin. Araw-araw itong ginagawa ng guro mula Lunes hanggang Biyernes. Idagdag pa natin ang mga trainings/ seminars at workshops sa araw ng Sabado at kung minsan pati Linggo. Maaari na siyang tawaging, Super Woman.

Ngunit sa kabila ng lakas at sigla, nakakaramd­am din ng pagkahapo si Madam. Napapagod at nagkakasak­it. Kailangan din niya ng “rest and relaxation” ika nga. Tila lumulobo ang kaso ng mga gurong tumataas ang presyon sanhi ng stress, sugar at cholestero­l. Nakakalung­kot at nakakaalar­ma na may mga ilang kaso ng mga namatay na mga guro dahil sa atake at alta presyon na maaaring sanhi ng dami ng trabaho sa paaralan. Dahil dito iniutos ng DepEd na sumailalim sa taunang check up o Annual Physical Examinatio­n (APE) ang mga kaguruhan para sa kanilang kalusugan. Masusing pinag-aaralan ng mga doctor ang resulta ng eksaminasy­on. Pinapayuha­n silang huwag ipagwalang bahala ang mga sakit na nararamdam­an. Huwag abusuhin ang katawan at magkaroon ng sapat na pahinga at tulog. Kumain lang sapat at sa tamang oras. Maglaan din ng oras sa ehersisyo tulad ng pagsali sa mga Zumba classes. Nagbigay ng mga seminars tungkol sa Wellness programs at maging para sa Spritual na aspeto.

Hindi bago sa atin ang kasabihang, “Health is Wealth” ngunit ito ay isang mahalagang paalaala. Dahil ang malusog na guro ay isang produktibo­ng guro.

— oOo—

The author is Teacher III at Saguin Integrated School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines