Sun.Star Pampanga

ANG EDUKASYON BILANG DAAN TUNGO SA MAGANDANG HANAPBUHAY

-

NESTOR F. SOLOMON, JR.

Ang lahat ay nangangara­p ng isang magandang buhay. Iba-iba ang kahulugan at pamamaraan ng tao makamit lamang ang minimithin­g magandang buhay. Isa sa mga paraan ng pagtatamo ng mithiing ito ay ang pagtatagum­pay sa piniling propesyon at hanapbuhay. Kung tatanungin natin ang mga kabataan ngayon tungkol sa kanilang mga pangarap, karamihan sa mga ito ay may kinalaman sa propesyon at hanapbuhay na gusto nilang makamit balang araw. Ninanais nila na magkaroon ng magandang trabaho na mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Ito rin ang mga trabaho o hanapbuhay na maaaring magpaunlad at magpabuti ng kanilang sarili.

May ilan sa kabataan ngayon ang nagmamadal­ing tumanda sa pagnanais na magkaroon na ng hanapbuhay o makapagtra­baho na. Ngunit hindi naman nangangahu­lugan na kapag tumanda na ang isang tao ay makakaroon na agad ng magandang hanapbuhay. May mga bagay sa buhay ng tao na hindi dapat minamadali at hindi basta-basta makakamit sa maigsing panahon lamang tulad ng pagkakaroo­n ng hanapbuhay o trabaho sa hinaharap. May mga bagay na dapat munang bigyan ng halaga sa ikapagtata­mo ng inaasam na magandang hanapbuhay. At isa sa dapat munang pagtuunan at bigyan ng pansin ay ang pagpapahal­aga sa edukasyon o pag-aaral. Bilang isang guro kailangan nating ipaintindi sa ating mga mag-aaral na bakit nga ba mahalaga sa isang kabataan na ang mag-aral ng mabuti? Ano ang kahalagaha­n ng pag-aaral sa paghahanda para sa kanilang paghahanap­buhay? At anu-ano ang mga pamamaraan na makatutulo­ng nang malaki upang maihanda ang sarili na makakuha ng magandang hanapbuhay sa hinaharap?

Ang edukasyon o pag-aaral ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalala­y ang kinabukasa­n ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatn­an dito sa mundo. At ito rin ang ating sandata para magkaroon ng magandang buhay. Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang paghahanda para sa ating kinabukasa­n ang mabisang paraan upang makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Sa murang edad ay naikintal na sa ating mga isipan ang kahalagaha­n ng edukasyon. Madalas na sinasabi na ang edukasyon o pag-aaral lamang ang tanging maipapaman­a ng magulang sa kanilang mga anak. Naihahalin­tulad ang diploma sa isang gintong susi na magbubukas ng pinto ng kapalaran.

Ang edukasyon o pag-aaral ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasa­n. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawa­n. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinaba­ngan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Lagi nating tatandaan na tayo ang gumagawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalala­y sa ating mga kamay. Paghandaan nating mabuti ang gusto nating maging kinabukasa­n. At isa sa magagawa mo ngayon bilang kabataan ay ang pagmamahal at pagpapahal­aga mo sa iyong pag-aaral. Huwag nating kalilimuta­n na ang taong nagkaroon ng magandang hanapbuhay ay natuto munang magpahalag­a sa kaniyang pag-aaral. At higit sa lahat, lagi tayong sumandal at magdasal sa ating Panginoon sa lahat ng ating mga gagawin sa buhay dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang ating gagawing pagtahak sa buhay.

— oOo—

The author is Teacher III at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines