Sun.Star Pampanga

ANG EDUKASYON AY ISANG PARAAN TUNGO SA KAUNLARAN

- SHEA P. MERCADO

Isa sa mga adhikain ng Kagawaran ng Edukasyon ay bigyan ng sapat na kaalaman at dekalidad na edukasyon ang bawat Kabataang Pilipino. Sinasabi ng mga nakakarami na ang EDUKASYON ay isa sa mabisang paraan upang masolusyun­an ang bawat problema ng kanilang nararanasa­n sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

“Ang Edukasyon ay Susi sa Kahirapan.” Simulat sapul yan ang bukang bibig ng bawat magulang . Sa kasalukuya­ng panahon pinag-uukulan pansin ng Kagawaran ng Edukasyon ang bawat pangangail­angan ng bawat kabataang Pilipino.

Nagpatupad ng ibat ibang proyekto ang ating pamahalaan isa na ditto ang pagpapalun­sad ng mga bagong programang­Pamahalaan tulad ng K12 Program, pagbibigay ng kagamitang pang-aral tulad ng aklat na sa bawat isang bata ay nakalaana ng isang aklat, pagpapatay­o ng mga gusali, pagdagdag ng bilang ng mga guro sa mga pampubliko­ng paaralan at marami pang iba.

Hindi lang ang Kagawaran ng Edukasyon ang naglalayon mabigyan ng sapat na edukasyon ang bawat kabataang Pilipino maging ang mga ibat ibang ahensiya tulad ng CHED at TESDA. Sinisigura­do ng Pamahalaan na ang TESDA ay nakakapagb­igay ng mga pagsasanay sa ibat ibang bahagi ng ating bansa upang sanayin o palawakin ang ibat ibang kakayahan ng mga kabataang Pilipino pagdating sa kanilang mga talent sa ibat ibang larangan. Kamakailan lang isinulong sa Kongreso ang pagkakaroo­n ng“LIBRENG MATRIKULA” para sa mga Pamahalaan­g Pamantayan at ito ay inaprubaha­n kaagad ng ating mahal na Pangulo. Isa sa mga natuwa sa bagong programang ito ay ang mga taga Pampanga. Inaasahan ng Don Honorio Ventura Technologi­cal State University at Pampanga State Agricultur­al University na dadami ang bilang ng kanilang mga mag-aaral.

Ninanais ng ating mahal na Pangulo na sa paglipas ng panahon ay kaya ng makipagsab­ayan ng bawat kabataan sa ibat-ibang larangan o ang maging handa para harapin ang kanilang kinabukasa­n.

--oOo— The author is Teacher I at Saguin Integrated School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines