Sun.Star Pampanga

GURO SA MAKABAGONG PANAHON

-

MODESTA B. DE GUZMAN

jan.Werna u? D2 na me...Otw na ko ..kita nalang tayo sa DP .... Hoy! HBD... blowout naman Mga bagong kataga, mga bagong salita .. di ko mawari kung saan nagmula? Nakakatuwa­ng isipin na bago pa ang mga salita iyan ay may mga iba pa na nauna na dilang ngayon naririnig sapagkat may mga nauna pang mga salita na sadya nakakalerk­i...nakakawind­ang at kung minsa’y mga echoooos na usapan lang.

Owwwwsss .... grabeeehh! Gorabels na tayo.

Salitang hindi mawari. Salitang di ko inakalang minsa’ y gagamitin ko rin upang makasunod sa takbo ng panahon, gawa ng tinatawag nating pagbabago ng wika sa makabagong panahon.

Nakakatuwa­ng isiping ang mga gurong makalumang panahon ay nakikipags­abayan na rinsa trending na inaakala kong sa mga kabataan lamangpapa­tok.

Usapang sa simula ay sadyang napakasagw­ang pakinggan subalit sa kalauna’y magigising ka na lang sa katotohana­n na di na pala uso ang ating wikang kinagisnan. Naalalako tuloy aking napag- aralan sa kolehiyo na totoong ang angwika ay dinamiko o dynamiko...ang wika ay nagbabago at may iba’ ibang varayti ang wika. Ang galing di ba? Pati tuloy ang aking napag- aralan sa Filipino ay naipasok ko at nabigyang patotoo na di lang ito laman ng aklat naitinuro ng guro ko kundi tunay na syang nangyayari ngayon sa pagbabago ng panahon.

Sa madaling salita sa pagbabago ng panahon tayong mga guro ay kinakailan­gan sumunod na rin sa tinatawag nating Millennial­s at sa 21st Century ng Pagtuturo at baguhin na ang ating old school na pagtuturo upang lalo nating mahikayat ang mga kabataan na making sa ating mga kwento ni “Lola Basyang” na ngayon ay “Wattpad” na. “School/Students Secret Files” na dati ay “Ang Aking Karanasang hind imalilimut­an” lamang ang katawagan. Nararapat lamang na malaman natin ang trending upang sila ay muling mapatingin sayo at sabay bulon sa katabina ..” Aba ! Si mamshie .... tumetrendi­ng”.

Subali’t kahit ano pa man ang mga pagbabagon­g sa techniques at pagsunod natin sa makabagong panahon ng ating pagtuturo ay lagi pa rin nating tatandaan at huwag kalilimuta­n ang itatak sa isipan ng mga mag -aaralang 4 core values na maka-Diyos, maka-tao makabansa at maka- kalikasan sapagkat iyan ang tatak ng ating tunay na pagiging maka-Pilipino.

Mga guro sa makabagong panahon ano ang masasabi mo sa hamon ng mga millenials ng mga makabagong panahon? Ikaw ba ay paroroon at makikipags­abayan o mananatili­ng nakakulong sa iyong lumang kulungang nilumot na ng mga ninunong nagpamulat sa ating isipan? Nasa atin pa rin ang tamang desisyon ..tayo pa rin ang magpapasya­sa kung ano ang inaakala nating makapagbib­igay satin ng tamang desisyon. Mag-isip-isip ka, gusto mo pa rin ba na matawag na old school o isa ka na s amasasabi nating millennial­s na guro?

— oOo—

I at Sindalan High School

The author is Master Teacher

Newspapers in English

Newspapers from Philippines