Sun.Star Pampanga

RD sinabon ang isang PD ?????

-

Matatandaa­n noong nakaraang Miyerkules (May 9) bumisita si Chief PNP Director General Oscar Albayalde sa Camp Olivas, ito’y upang kanyang ilunsad ang kanyang programa One Commendabl­e Act (OCA).

Dapat ang pagdating ni Albayalde ay 7:00 ng umaga nguni’t umabot ito halos 9:30 a.m. na kung saan karamihan sa mga reporter na magkokober sa kanyang pagdating ay nainip.

Siyempre sa pagdating ni Chief PNP, halos lahat ng mga Provincial at City police director sa Central Luzon ay dumalo sa nasabing aktibidade­s.

Kahit na pinalitan na si Senior Superinten­dent Romeo Caramat, Bulacan police provincial director dalawang araw bago dumating si Albayalde sa Olivas ay dumalo pa rin sa nasabing pagtitipon.

Si Senior Superinten­dent Chito Bersaluna ang pumalit kay Caramat bilang acting acting provincial director ng Bulacan police.

Nasa lobby ng Admin building ang lahat ng mga Provincial at City police director at iba pang Staff Officer upang hintayin ang pagdating ni Chief PNP.

Dito nangyari umano ang pagsabon kay Bersaluna, ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline.

Halos magkatabi umano sina Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) director sila ni Bersaluna at hindi man lang nakilala ng huli (Bersaluna) ang kanyang RD (Regional director na si Corpus).

Sang-ayon sa IO, katakot takot ang ginawang pagsabon ni Corpus kay Bersaluna at hindi nakaimik ito.

Biro mo naman Bersaluna, RD mo di mo kilala? Nagtatanon­g lang po...

Mukhang ito yata ang kaunahanun­ahan pangyayari na ang isang bagong upong Provincial Director ni hindi nito kilala ang kanyang RD (Regional Director). Nakakahiya di po ba ?????

Sang-yon sa IO, kaya naman hindi nakilala ni Bersaluna si Corpus dahil di man lang nag-courtesy call sa kanya at sa mga Staff Officer nito.

Kasi naman pagbaba ng kanyang order mula sa National Headquarte­rs sa Camp Crame, umupo na ito sa Bulacan police.

Buti na lamang wala ang bagong Pampanga Police acting provincial na si Senior Superinten­dent Nicolas Salvador sa nasabing okasyon baka siya din hindi nito kilala si Corpus..

Kaya kayong mga bagong assigned sa Central Luzon, dapat mag-courtesy call kayo sa PRO3 director at mga Staff Officer baka kayo susunod na masabon.

Nakakahiya ang nangyari pagsabon kay Bersaluna di po ba ?????

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines