Sun.Star Pampanga

MADADAAN SA MATINONG USAPAN

-

ROLLY R. DE LEON

Marami-rami na rin akong nahawakang kaso ng mga estudyante na sangkot sa misbehavio­ur acts. Marami sa mga estudyante­ng ito ay galing sa mga tinatawag na broken families, ang iba naman ay may magulang nga pero hindi naman bukas ang komunikasy­on ng mga magulang sa kanila. Nakita ko na rin ang mga misbehavin­g na estudyante kung paano sila umiyak at humagulgol, kung paano nila dagukan ang kanilang sarili upang mailabas lang ang sakit ng loob na kanilang nararamdam­an. Ngunit sa kabila ng lahat na ito ay nangingiba­baw pa rin ang mahinang parte ng kanilang pagkatao. Nais nilang malaman kung saan sila nagkamali at kung paano nila iwawasto ang kanilang nagawa.

Naisip ko na ang mga bata sa musmos nilang pag-iisip ay kung madalas napagkakai­tang magsalita at magpahayag ng kanilang nararamdam­an. Subalit may mga tao na hindi pa rin bukas ang taingan sa pakikinig sa boses ng mahihina gaya ng mga bata.

Nasasabi ko na ang mga bata ay maayos na makakasala­muha sa mga nakakatand­a kung mismong ang mga nakakatand­a ang magbibigay ng nararapat na puwesto para sa mga bata. Ang ibig kong sabihin ay magkakaroo­n ng mabunga at mabuting usapan ang nakakatand­a at mga bata kung nakikita ng huling nabanggit ang mabuting intensiyon.

— oOo—

The author is SST II at Basa Air Base National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines