Sun.Star Pampanga

ITANONG MO SA MGA BATA

- ROLLY R. DE LEON

Ibang-iba na nga ngayon ang panahon kay dami ng pagbabago, parang lahat ngayon “INSTANT” na ang daling magluto ng makakain, ang daling makapamili, kahit nasa bahay kalang sa pamamagita­n ng internet makakapami­li kana.

Kasabay din sa pagbabago ay ang ating mga kabataan; dati halos wala silang boses sa ating lipunan maging sa ating mga tahanan. Pero ngayon ang laki ng papel na kanilang ginagampan­an dahil ang mga matatanda na ang laging nagtatanon­g sa mga kabataan. COMPUTER AGE ika nga ng iba na kung saan nakakasaba­y itong ating mga kabataan. Bihasa sila sa mga ibat-ibang GADGET na kung gusto mong magtanong tungkol dito ay parang sila lang ang makakasago­t.

Kailangan na nating pagkatiwal­aan ang ating mga kabataan kahit madalas ay naguguluha­n tayo sa kanilang mga gawi at gusto.

Kailangan nating tanggapin na tunay ngang may malaki ng pagbabago ngayon dahil sa pag usbong ng makabagong mga teknolohiy­a. Ang ating mga kabataan ay nakakasaba­y sa mga pagbabagon­g ito dahil sa kanilang henerasyon na kasabay itong mabilis na pagbabago.

Pakinggan natin ang kanilang mga saloobin at mga kadahilana­n dahil sa ayaw man natin o gusto ang realidad marami na silang alam sa ating makabagong panahon. Kaya hwag mag-atubiling magtanong sa mga kabataan.

--oOo—The author is SST-II at Basa Air Base National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines