Sun.Star Pampanga

Pagbalasa sa mga hepe inaasahan ba?

-

Kapag bago ang upong police provincial director, inaasahan na ang gagawin nitong pagbalasa sa kanyang mga hepe.

Naging policy na ito, sa Philippine National Police (PNP) na kung saan kapag pinalitan na ang nakaupong police provincial director otomatik na papalitan nito ang ibang mga hepe.

Sang-ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline, sa ngayon dahil officer-in-charge pa lamang si Senior Superinten­dent Nicolas Salvador ng Pampanga Provincial Office hindi pa ito makapagbal­asa ng kanyang mga hepe.

Nguni’t, ayon sa IO, kapag naging acting police provincial director, inaasahan na ang gagawin pagbalasa nito.

Hindi na bago ang ganitong pagbalasa kapag bago na ang Police provincial director, ayon sa IO.

Sang-ayon sa isang senior police officer, dapat lamang tignan ng bagong upo ang mga accomplish­ment ng isang hepe.

At dapat din tignan iyong mga crime incident sa kanyang area of responsibi­lity kung tumaas nang siya’y naging hepe ng isang bayan.

At kung iyong crime incidents sa kanyang area of responsibi­lity ay naresolba nito o hindi.

Ito dapat ang batayan ng isang bagong upong provincial director kung siya’y (hepe) kailangan itong masibak sa kanyang puwesto, ayon sa senior police officer.

At kapag may tatlong beses na nangyayari­ng krimen sa kanyang area dapat na rin itong masibak sa puwesto, ayon pa senior police officer.

Sa mga hepe ng Pampanga, marami dito (mga hepe) tumaas ang crime incidents sa kanilang area of responsibi­lity at dapat lamang na sibakin sa kanilang puwesto ni Sr. Supt. Nicolas Salvador.

Abangan po natin ang ipatutupad na pagbalasa ni Sr. Supt. Salvador…

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines