Sun.Star Pampanga

MALAYANA BA ANG PILIPINAS, ANG BAYANG MAGILIW?

-

CLARA C. DELA CRUZ

120 taon na nang idiklera sa Kawit ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Espanyol. Mula sa mahigit tatlong daang taong pangongolo­nya ay buong tapang at bangis na ipinaglaba­n ng ating mga bayani ang kapakanan, kaunlaran, at kalayaan ng Bayan.

Matapos ang maraming pakikipagl­aban ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay nasimulan naman ang pakikidigm­a laban sa Amerika. At gaya ng una ay lumaban ang ating mga bayanipara sa Bayan.

Dumating sa bansa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magiting na prinotekta­han ng mga Pilipino ang bansa laban sa mgaHapon at pagkatapos ng digmaan ay pinasinaya­an ang Republika. Nakamit natin ang kalayaan mula sa mga mananakop. Mayroon nang pagkilala sa atin bilang isangbansa.

Tunay ngang Malaya na tayo mula sa mga panlabas na kapangyari­han, lahat ng ito para sa Bayan. Sa Bayan… pamilya, mga kaibigan, mga mamamayan. Napakagand­ang isipin at gawing aral ang pagpapagal at pag-aalay buhay lahat ng bayaning Pilipino. Ang kaso lang, patuloy tayong nananatili sa kaisipang iminulat at itinanim ng mga nanakopsa atin.

Malaya na tayo sa kanila, ngunit ang lalim ng impluwensi­ya at mga karanasan ay nananatili. Bumabalik tayo sa kung ano ang itinadhana nila para sa atin. Nananatili pa rin ang kakulangan ng pagkakaisa bilang isang bansa. Ang mga Espanyol ay nagpakita ng korapsyon, at pagmamahal sa sariling interes, na naisalin saatin. Ang Amerika naman ay patuloy na tinitingal­a bilang mas mataas na bansa at mas mataas natao. Hindi ba’t tayo’y pantay-pantay lamang? Malaya na tayo sa kanila ngunit sa kaisipan ay mukhang hindi pa. Malaya mula sa puwersa ng panlabas ngunit paano sa panloob – sa ating sarili.

Sabi nga sa pelikulang Heneral Luna, ang ating kalaban ay ang ating mga sarili. Nakalaya ba ang bansa mula sa mga kaisipang nabanggit na nagdudulot ng korapsyon, kahirapan, at kakulangan sa edukasyon? Mula sa mga lider at ordinaryon­g tao ay makakakita ka ng korapsyon dahil pinili ng lipunan na tanggapin ito dahil sa takot o pakinabang. Bakit? Dahil daan taon nating nakagisnan.

Ang kahirapan at kakulangan sa edukasyon ay daantaong suliranin na ng bansa. Ang mahirap mas humihirap at ang mayaman ay mas yumayaman. Kasabay ng kahirapan ay ang kasalatan sa edukasyon. Hindi makapasok sa paaralan ang mga kabataan dahil mas pipiliin ng mga pamilya na tumulong na muna sapaghahan­apbuhay ang mga anak upang mairaos ang pang-araw-araw na gastusin. Ilan lamang yan sa mgasakit ng lipunan.

Sino ang ating kaaway? Ang ating mga sarili, at ang mga maling kaisipan na dapat nating iwaksi. Ang laban ay para sa pamilya, para rin sa mga kaibigan. Walang masama sa pag-alala sa kapakanan nilak ung mas lalawakan pa natin ang pag-alaala sa kapakanan ng kapwa. Malaya ba tayo? Malaya ka ba? Ang isang bansa ay binubuo ng mga indibidwal, mga mamamayan, mga tao – tayo. Palayain natin ang bansa mula sa mga sakit ng lipunan. Malaya ang taong nagmamahal sa Bayan at gumagawa ng paraan upang mapaunlad to. Malaya ang taong nagpapagal at di sumusuko para sa pamilya. Malaya ang taong nagmamalas­akit sa kaibigan at kapwa. Malaya ang taong may pangarap para sa sarili at sa Bayan. Malaya ang taong patuloy nanananali­g sa Maykapal. Piliin nating maging Malaya.Ang ating kaisipan, diwa, at gawa bilang mga indibidwal.

Malaya na ang Pilipino, pero may malalaking suliranin pa rin ang lipunan na sa napakataga­l nang panahon ay di pa rin masolusyun­an, ngunit huwag nating isuko ang pag-asa. Gaya ng mga nauna sa atin,ibigay natin ang ating buong tapang, lakas, at pagmamahal sa Bayan upang mapalaya natin ito.

Malaya ka. Gamitin mo ang kalayaan upang lumaya din ang iba. Bayan… Bayang magiliw.

— oOo—

The author is Secondary School Teacher III at Angeles City National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines