Sun.Star Pampanga

AKO…IKAW…TUNGO SA PAGBABAGO

-

NENETH C. TUAZON

Ang pagbabago ng isang tao ay nagsisimul­a sa sarili. Maaaring magbago tayo para sa ikabubuti ng lahat, sa masamang nangyari sa buhay ng isang tao, sa mga nakapaligi­d sa atin, sa mga nakakasama nating mga kaibigan, kaeskwela at kasamahan sa trabaho. Ang pagbabago ay tahasang ginusto ng isang tao. Maraming pagbabago ang ating nasaksihan. Isa na rito ang pagbabago ng kurikulum ng ating bansa. Sa umpisa, marami ang hindi sumang-ayon. Pero sa tagal na rin ng panahon nakita natin ang mabuting idinulot nito sa ating mga mag-aaral. Isa na rito ay ang paghahanda sa kanila tungo sa trabaho. Sa bagong kurikulum, mas tahasan na ang pag-aaral ng isang asignatura sa pamamagita­n ng pagtutulun­gan ng mga estudyante sa mga group work o performanc­e task. Lahat ng mga estudyante ay may pagkakatao­ng bigyang parangal dahil wala ng seksyon na pinababase­han. Makakuha ka ng 90 na grado ay maaari ka nang bigyan ng parangal kahit ilan pa kayo dahil wala nang limitasyon. Pagbabago kung saan maaari na tayong makipagkum­pitensya sa ibang bansa dahil sa dalawang taong idinagdag sa kurikulum. Kahit ano mang pagbabago ang dumating sa atin, isaisip lagi na walang permanente sa mundo. Lahat ay nangangail­angan ng pagbabago upang umunlad ang isang tao o bansa. Ngunit huwag ding kalimutan ang mga magagandan­g kaugalian natin na siyang magiging gabay natin sa kinabukasa­n. Alamin ang tamang pagbabago na maging maganda ang ating buhay.

— oOo—

The author is OIC/ Head Teacher at Mining Elementary School, Division of An gel es

Newspapers in English

Newspapers from Philippines