Sun.Star Pampanga

KALAGAYAN

-

ROSALINA M. VILLAFLOR

Kumusta ang ating lipunan? Ano na nga ba ang bagong nakakagawi­an? At bakit daw ba tayo ay nagiging mababaw?

Marami sa atin ay mga bago at marami rin sa atin ang nakakapani­bago, ngunit hindi natin maitatangi na marami sa ating mga Pilipino ay wala ng disiplina, madalas nawawala na ang pagiging tapat sa ibang taong nakakasala­muha sa araw-araw. Dahil doon humahanton­g ito sa pagiging arogante at mapagmataa­s sa sarili at hindi nagpapatal­o ng isang tao na nakakapagd­ulot ng malaking kaguluhan at hindi pagkakauna­waan sa ating lipunan.

Sinasabi na ang mga Pilipino ngayon ay wala ng pakialam at hindi marunong sumunod sa kung ano na ba ang mas makabubuti sa kanila. May mga Pilipinong walang pakialam na ang inaatupag kundi mamili ng kung anu-ano o gumagasta ng malaking pera kahit di naman kinakailan­gan. Natutukso sa mga magagandan­g bagay o palamuti na nakagagand­a sa katawan at may taong piniling laging ginagawa ang pakikipagt­sismisan kahit saan, kahit kaninuman. Meron din mapanghusg­a at nanlalait ng puri at repustasyo­n ng iba at nagkakalat pa ng mga kwentong walang basehan na nanggaling lamang sa katha at mapaglaron­g kaisipan. Kaya dahil doon nahuhusgah­an ang ating tunay na pagkakakil­anlan.

Marapat na tayo ay magsuri muna at patunayan kung ano ba an gating sarili o hanapin ang ating tunay na pagkakakil­anlan upang tayo ay hindi na mahuhusgah­an at maliitin ng iba. Kinakailan­gan din muna nating magsiyasat o mag-obserba sa ating kapaligira­n upang maiwasan natin ang mga bagaybagay na hindi naman talaga karapat-dapat at kung ano ang makasisira para sa ating kapwa.

Bilang isang mamamayang Pilipino para maipakita natin ang ating tunay na katangian dapat nating isaalang-alang ang tunay na estado o KALAGAYAN ng ating buhay.

— oOo—

The author is Teacher at III Bacolor High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines