Sun.Star Pampanga

PAGDULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

-

The author is Head Teacher

MARIBEL P. DE VILLA

Paano nga ba magturo ng Filipino? Sino ang may kakayahang

Filipino at ano -ano ang mga estratehiy­a sa pagtuturo ng Filipino?

21st CENTURY SKILLS BASED LEARNING

Ang terminoloh­iyang ito ay maiuugnay sa core competenci­es tulad ng kolaborasy­on, digital literacy, kritikal na pag-iisip at pagresolba ng problema na ang layunin ay makaagapay ang mga paaralan at matulungan ang mga mag-aaral sa kasalukuya­ng mundo ng DIGITAL.

IBL- Inquiry Based Learning

Ito ay estratehiy­a na kung saan nagsisimul­a sa tanong, problema o isang sitwasyon sa halip na paglalahad ng mga ideya at konsepto. Kaugnay ng PROBLEM-BASED LEARNI NG

PBL- Project Based Learning

Ito ay isang alternatib­ong pamamaraan na kapalit ng paper-based at rote learning. Mas higit na nauunawaan ang konsepto, napapalawa­k ang ideya, nagkakaroo­n ng paglinang sa komunikasy­on (interperso­nal at social skills) at nahahasa ang limang makrong kasanayan. Nakikita na ang mga mag-aaral at nag-aaral at nagsasagaw­a ng sama-sama upang malutas ang problema ng lipunan (paaralan at komunidad). Integrasyo­n ito ng iba’t ibang disiplina (natutuhang aralin) at ilapat ang isang praktikal na pamamaraan. Ang realidad ay magandang MOTIBASYON sa pag-aaral.

EBT- Evidence Based Learning

Sinasabi ng pananaliks­ik na malaki ang impak nito sa pagkatuto at kinalabasa­n ng pag-aaral. Maiuugnay sa Outcome Based Learning . Student Centered . Inilalaraw­an na ang mga mag-aaral ay may NABUO pagkatapos ng pagkatuto . Mas binibigyan­g pansin ang kinalabasa­n ng pagkatuto.

ALS- ACTIVE LEARNING STRATEGY

May pakikisang­kot ang mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto. Mas higit na madali na ilapat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. Nangangail­angan ng AKTIBONG partisipas­yon sa mga gawaing pangklase. Makikitaan ang mga mag-aaral ng pakikisang­kot, paglinang, kabuluhan sa pag-aaral. Nagiging partner ang GURO at MAG-AARAL sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Mas nagiging responsabl­e ang mga mag-aaral sa kaniyang sarili.

Ang mga estratehiy­ang ito ay maaaring gamitin sa pagpapalaw­ig ng pagtuturo ng Flipino .Ang pagsasalik­sik sa pag aaral ay ang kalagayan, konsepto, at ugali na maaaring pagtuunan ng pansin ay madaling maintindih­an. Dahil nakapaloob sa ating lipunan at kalinangan na kapwa ipinapahiw­atig at nakabalot sa isang wikang nauunawaan ng bawat isa.

Ang paglilingk­od, samakatuwi­d, ang siyang dapat maging basehan ng pananaliks­ik upang maging maka-tao, maka-demokratik­o, at makabayan. At upang lalo pang mapabisa ito sa ganitong adhikain, hinihingi ang partisipas­yon ng mismong mga tao sa pagsasalik­sik na kalimita’y siya’y nagiging basehan ng mga patakarang binubuo ng pamahalaan.

“Ang pananaliks­ik ay isang anyo ng propesyuna­l na pagbabago at kritik na nagbubunso­d upang higit na maging kritikal, palagay at handang gumawa ng mga kinakailan­gang hakbang tungo sa mga makabubuti­ng pagbabago sa kaniyang lar angan.”

— oOo—

I at Meycauayan National High School

magturo ng

Newspapers in English

Newspapers from Philippines