Sun.Star Pampanga

MARALITANG MAG-AARAL, MAY BUKAS PA BANG NAGHIHINTA­Y?

-

MARIA CORAZON G. NABUNG

Kabataan ang pag-asa ng bayan. Malimit natin itong naririnig at nababasa. Ngunit makatotoha­nan ba ito kung marami sa ating mga kabataan ang napagkakai­tang makapagara­l dahil sa kahirapan?

Mapalad ang ating bansa sapagkat maraming mga mabubuting loob ang taos-pusong nagpamahag­i ng libreng gamit sa mga kapus-palad na mga mag-aaral mapa pribado man o publikong organisasy­on. Salamat sa malasakit. Napakahala­ga po nito sa buhay ng ating mga mag-aaral lalu na yaong mga naggaling sa mga di nakaririwa­sang pamilya. Ito ay malaking tulong sa kanila. Marami ring mga pampubliko­ng paaralan mula elementary­a hanggang sa kolehiyo ang nagbibigay ng libreng pag-aaral.

Bagamat marami na ang nakinabang sa mga serbisyong ito, nawa’y sa susunod na taon ay mabigyan lahat ng mga batang nararapat tulungan. Hindi sa sinasabing kulang pa ang tulong na ibinigay ngunit hinihingi pa natin ang karagdagan­g pag agapay sa lahat ng mga batang gusting matuto ngunit kulang sa pinansiyal at materyal na suporta dahil sa kahirapan.

Isipin natin ito, kung di natin sila tutulungan sino ang aasahan nila? Tandaan natin na ang mga kabataang ito ang susunod na salinlahi… malamang sa hindi, anu’t anuman ang mangyari , kung ano ang ginawa natin sa kanila ay siya rin nilang gagawin sa mga darating pang panahon!

The author is Master Teacher

— oOo—

I at Sindalan Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines