Sun.Star Pampanga

MAARING SUBUKAN

-

AMAPOLA MADERAS-FERNANDEZ

Ang classroom management ay mga mahusay na pamamaraan, na ginagamit ng isang guro upang mapamahala­aan ang mga gawain at kilos ng kaniyang mga mag-aaral. Ang epektibong “classroom management” ay lumilikha ng isang kaaya-ayang pagkakatao­n upang makapagtur­o ng mahusay ang guro at makapakini­g ng buong linaw ang mag- aaral. Narito ang ilang mga halimbawa na upang magkaroon ng mabisang “classroom m an agem en t ”:

1. Habang nagtuturo ang isang guro, hindi maiiwasan na magambala ang pokus ng mga mag-aaral. Maaring may ibang bagay silang pagkakaaba­lahan katulad ng pagsusulat salikuran ng kanilang notebook, paglipad ng isip, o kung minsan ay ang pag-uusap o paglalaro sa gitna ng klase. Ito ay karaniwan na lalo na sa mga mababang baiting. Kung kaya naman, kapag nasumpunga­n ito ng isang guro, maari siyang magturo mula sa likurang bahagi, o magturo malapit sa tabi ng mag-aaral. Ito ay magbibigay hudyat sa mag-aaral na dapat niyang itigil o magpokus sa klase.

2. Sa kabila ng pagpupuris­iging ito, kung hindi pa rin napigilan ang mag-aaral sa pakikipag-usap o pakikipagl­aro sa kaklase, maari silang kausapin sa pasilyo. Maari sila tanungin, May problema ba?”

3. Maari ring magpaskil ng karatula ng mga “Panuntunan sa loob ng Silid- Aralan”. Ang ganitong hakbang ay nagsisilbi­ng paalala sa mga mag-aaral ng mga panuntunan na nais ng guro na ipatupad sa loob ng silid. Sa ganito ding paaran ay maaing magpaalala­hanan ang mga magkakamag-aral ng mga itinatag na alintuntun­in. Sa mga pagkakatao­n na hindi nakasunod sa alintuntun­in ang mga mag-aaral ay maaring magpaalala ang guro sa mga dapat nitong gawin.

4. Natural sa mga mag-aaral ang maging bata. Natural din sa mga kabataan ang maging mausisa at madaling mawalan ng pokus. Ang pagiging aktibo ng mga gawain sa loob ng silid-aralan ay makakapagp­asigla sa partisipas­yon ng mag-aaral.

Kapag ang isang silid ay nagkaroon ng matibay na “classroom management’ lubusang makokontro­l ng guro ang kilos at pag-uugali ng kaniyang mga mag-aaral. Makakatiti­yak din na ang mga mag-aaral ay lubusang nakikinig at may pokus sa kanilang mga aralin na magreresul­ta sa lubusang pagkaunawa.

The author is Master Teacher Mabalacat City

— oOo—

I at Doña Asuncion Lee Integrated School,

Xevera, Tabun,

Newspapers in English

Newspapers from Philippines