Sun.Star Pampanga

Tarlac at Pampanga pina-igting ang kampanya laban sa droga

-

Nitong pag-upo ni Senior Superinten­dent Nicolas Salvador, Pampanga police acting provincial director, lalo nitong pina-igting ang kampanya nito laban sa droga.

Hindi na mabilang ang mga drug pusher na nahuhuli ng Pampanga police simula nang naupo si Salvador.

Maging ang napapatay mga drug pusher ay marami na rin nairerepor­t dahil umano’y nakipagpal­itan ng putok sa mga otoridad.

Nangunguna ang City of San Fernando police sa kampanya laban sa droga dahil mula nang maupo din si Superinten­dent Levi Hope Basilio ay di na rin mabilang ang mga nahuhuli.

Kaya naman halos lahat ng mga kukulungan sa Pampanga ay napupuno dahil sa nahuling mga drug pusher/ user.

Ang Tarlac police ay lalo din pinaigting ang kampanya laban sa droga.

Hindi naman nagpahuli si Senior Superinten­dent Ritchie Posadas, Tarlac police provincial director sa kanyang bagong pina-igting na kampanya sa dr oga.

Mula Mayo hanggang kasalukuya­ng buwan, hindi na rin mabilang ang naaareston­g mga drug pusher/ user ng Tarlac police.

Maging ang napapatay na mga drug pusher/user ay marami na rin narereport ang Tarlac police.

Ang Pampanga at Tarlac Police ang maraming accomplish­ments sa campaign against illegal drugs.

Dati ang Bulacan Police ang dating nangunguna sa kampanya sa droga pero sa ngayon mukhang pumapangat­lo na lamang?

Sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, kanyang pinahayag na kanyang pag-iigtingin ang kampanya sa droga.

Kaya naman inaasahan na marami na naman mga drug pusher/ user ang mahuhuli at mapapatay kung sakaling manlaban ito sa mga otoridad.

Abangan po ang panibagong pahayag ni Duterte laban sa droga…

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines