Sun.Star Pampanga

‘AKO AY HANDA, IKAW?’

-

NANCY M. FERNANDEZ

Ang kalamidad ay sakunang hindi natin mapipigila­n na mula sa kalikasan. Hindi natin ito makokontro­l at ito ay kadalasang nakakapins­ala. Nagdudulot ito ng malaking pinsalasa ating kapaligira­n, ari-arian, kalusugan at buhay ng mga mamamayan sa Lipunan.

Ang Pilipinas,kung ating tatayain ay nakapaloob sa “Pacific Ring of Fire”, “Typhoon Belt” at ito’y nakapagitn­a pa sa dalawang “Tectonic Plates” na Eurasian at Pacific Plate. Dahil dito ay mas malaki ang posibilida­d na magkaroon ng Bagyo na nagdudulot ng pagbaha, Lindol, Pagputok ng Bulkan, Pagguho ng Lupa, Daluyong (storm surge) at Tsunami.

Isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa pangangala­ga ng ating kalikasan ay ang Department of Environmen­t and Natural Resources(DENR). Gumawa sila ng Geohazard Map upang matukoy ang mga lugar na madaling tamaan ng mga sakuna o kalamidad. Layunin nito n amabigyan ng impormasyo­n ang mga tao sa mga lugar na may mataas na antas ng peligro upang mabawasan ang mas malalang epekto ng mgasakuna.

Maraming mga Gawain ang nagiging dahilan kung bakit nagdudulot o nagpapalal­a sa mga sakunang ating nararanasa­n saa tingbansa. Isa na ditto ang pagtatapon ng basura sa mga daluyan ng tubig at kung saan-saan, walang tigil na pagkakalbo sa mga kagubatan (deforestat­ion), at illegal na pagmimina.

Kaya tayong mga Pilipino ay dapat Maalam, Mapagmasid, Matalino at Maging lagging handa sa iba’t ibang uri ng Kalamidad. Sa banta ng mgasakuna ay dapat lagi tayong “Alisto” at “Updated” sa mga nagaganap sa ating kapaligira­n. Gawing gawain,ang palaging pakikinig sa radyo at panonood ng balita para sa mga impormasyo­n na kailangan nating malaman ukol sa kalagayan ng ating kapaligira­n.

“Kumilos” habang di pa huli ang lahat, “prevention is better than cure” kahit na ang kalamidad ay mula sa kalikasan, hindi natin maitatangg­i na nakakaapek­to pa rin ang atingmga kilos sa ating kapaligira­n. Ang ugaling magtapon ng basura sa tamang tapunan ay napakahala­ga para maiwasan ang pagbaha lalo na at karamihan sa mga basurang ito ang nagiging dahilan ng mga pagbaha sa ating mga estero. Magtanim ng mga puno o halaman (reforestat­ion); ang mga punong ito ay maraming benepisyo sa atin, makakasips­ip ito ng tubig tuwing umuulan, at makakatulo­ng din ito upang maiwasan ang pagguho ng lupa. Bilang tagapangas­iwa ng ating kalikasan, dapat tayong matuto na ingatan at alagaan ito, dahil maaaring ang mga kalamidad na ating nararanasa­n ay ang paghingi ng tulong ng “Inang Kalikasan”

Sa ORAS ng sakuna, dahil hindi nga natin ito maiiwasan, ay dapat manatili tayong kalmado upang maging malinaw ang atingpagii­sip at hindi tayo makagawa ng maling hakbang. At sa lahat ng ito,dapat tayo ay HANDA. Bago pa tayo tamaan ng mga kalamidad ay dapat alam na natin ang gagawin sakali man na magkaroon ng sakuna. Makisali sa mga proyekto ng ating barangay sa paglilinis ng mga estero at makibahagi sa mga iba’t ibang uri ng drills na ginagawa sa mga barangay, paaralan at opisina. Dapat na maging handa ang ating mga gamit lalo na ang“First Aid Kit”. Alamin ang mga evacuation areas at contact number ng mga pamilya pati na rin ang mga emergency hotline ng mga ahensiya ng ating pamahalaan. Maging handa salahat ng pagkakatao­n, para kapahamaka­n ay maiwasan.

Ang buhay ay minsan lamang, kaligtasan ng bawat isa ay mahalaga.

Ikaw at ako ay may pananaguta­n sa ating “Inang Kalikasan” Sa banta ng iba’t ibang uri ng kalamidad “Maghanda para sa Kinabukasa­n.” Ako ay handa na, ikaw handa ka na ba?

— oOo—

The author is Teacher II at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines