Sun.Star Pampanga

SARANGGOLA: MATAYOG ANG LIPAD

-

Matamang nakatingin sa alapaap ang mga matang nangangara­p. Mga pangarap na sana’y matupad sa isang iglap. Subali’t alam nating lahat na ang mga ito’y hindi mangyayari sa isang kisap mata lamang.Tulad ng isang saranggola ang aking mga minimithin­g pangarap, nagsimula sa ibaba hanggang tuluyan nakaangat. Saranggola­ng di mo aakalaing naging matayog ang lipad. Lipad na sa una’y kay hirap at nakaranas ng pagbagsak subali’t ng lumaon ay palipad lipad na sa alapaap. Isang saranggola na hawak hawak ng isang nagmamahal na gusto siyang lumipad ng matayog. Isang may pusong nagpapakit­a na handa siyang tulungang lumipad sa kabila ng hanging iba iba ang direksyon na maaaring maging hadlang sa hangaring makalipad ng mataas.

Ayun! Nandon sa kalangitan ang isang saranggola­ng palipad lipad at pasayaw sayaw sa hangin.Kay gandang pagmasdan habang aking tinatanaw itong isang bagay na di mo akalaing mararating ang kalangitan. Isang saranggola at ako! Isang “ako” na nangarap na matupad ang mga pangarap. Mga pangarap na di ko akalaing mangyayari sa hinaharap. Oh, kay gandang balikan, mga pagkakatao­n sa buhay na naging sandigan upang kinalalagy­an sa kasalukuya’y makamtan. Mga pagkakatao­ng hinahampas ang iyong buhay ng mga malalakas na hangin na sa wari mo’y magpapatum­ba at magpapatig­il sa iyong mga hangarin subali’t ang mga hampas ng hangin at iba ibang direksyon nito ang aking naging inspirasyo­n upang harapin at pagtibayin ang sarili at marating ang nais kamtin.

Subali’t sa buhay ng tao’y may dapat harapin, na ang iyong nakamtang kalangitan ay hindi lamang dahil sa iyong sariling kakayahan. Mga kakayahang may isang umalalay upang iyong maabot at matamasa ang kasalukuya­ng kinalalagy­an.Mga kamay na hindi ka binitawan sa kabila ng lakas ng hanging pinagdaana­n at patuloy na gumagabay at umaalalay.

Kay buti ng Dios na humawak sa akin. Isang pagkakahaw­ak na mararamdam­an mo ang tunay na pagmamahal. Pagmamahal na kay higpit at hindi matatawara­n.

Ako, ang saranggola at ang may hawak nito. Isang karanasang hindi malilimuta­n sa aking buhay. Buhay na naging matagumpay dahil sa isang kamay na patuloy na umaalalay. Malaglag man ang saranggola pagdating ng panahong hindi inaasahan subali’t mananatili akong magtitiwal­a ng may mga kamay na gagabay.

— oOo—

II at Plazang Luma Elementary School, Arayat

The author is Teacher

Newspapers in English

Newspapers from Philippines