Sun.Star Pampanga

Tatlong gubernador hiniling palitan ang kanilang PD?

-

Nagiging mainit ang isyu tungkol sa pag-upo sa mga police provincial director sa Central Luzon.

Ito’y dahil di umano dumaan sa mga gubernador ang pag-upo ng tatlong police provincial director o sa madaling salita PD sa kanilang lalawigan.

Ang mga naupong PD ay nangyari lamang sa pamamagita­n ng “Pag-Appoint” ng PNP National Headquarte­rs, Camp Crame, ayon sa intelligen­ce officer (IO) ng Dateline.

Dapat sana magbigay muna ng limang senior superinten­dent sa mga gubernador upang doon sila maaaring mamili kung sino gusto nilang maging PD.

Subali’t ni isa sa tatlong gubernador ay walang ibinigay na listahan limang Senior Superinten­dent na kanilang maaaring piliin, ayon sa IO.

Sang-ayon sa IO, nagpadala na umano ng “letter” sina Pampanga Governor Lilia Pineda, Governor Wilhemino Alvarado-Sy at Zambales Governor Amor Del oso.

Nagre-request umano sina Pineda, Alvarado Sy at Deloso na kung maaari magbigay ng listahan ang PNP na maaari nilang mapiling maging PD.

Sina Pineda at AlvaradoSy ibinigay ang kanilang letter sa PNP nitong nakaraang linggo.

Samantalan­g si Deloso ay kinokwesyo­n ang pag-upo ni Senior Superinten­dent Cosme Abrenica as acting PD nito.

Ito’y dahil hindi man lamang nakapamili sa ibinigay na listahan na five senior superinten­dent si Deloso.

Matatandaa­n noong termino ni dating Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ina-appoint lamang nito ang ibig nitong maging PD.

Kaya hanggang sa kasalukuya­n ay nangyayari din ang pag-appoint?

Sino po ba ang dapat masunod sa pag-upo sa mga PD ang mga gubernador ba o PNP? Nagtatanon­g lang po...

Ano na nangyari sa mandate ng local government uni’s sa pagpili nito sa gusto nitong maging PD? Ito po ang malaking katanungan…

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines