HINDI NATATAPOS ANG PAGIGING GURO SA MAGHAPONG PAGTUTURO…
MA. ELENA D. PAMINTUAN
Di mapapasubalian na tayong mga guro ay pagal na pagal sa,maghapong pagtuturo, ang kakulitan ng mga estudyante, submision nang broadcast, deadlines kaagad, mga magulang na maya’t maya ay nagsusumbong hinggil sa kung anu-anong mga project at bakit ginagabi ang mga anak? Hay… Parang kulang ang labindalawang oras kaya’t maging sa pagtulog ay bitbit pa ang class record dahil baka may ma miss na activity.
Hanggang sa ako ay makapunta sa malayong puok, halos walang anumang estudyante, di ko rin makita ang Principal na dati’y maagang nagra-rounds, wala ring guwardiyang nag grit ng good morning at walang paskil ng deadlines… . bakit kaya?
Nagtagal pa ng nagtagal, isa, dalawa, tatlo hanggang di ko namalayan kung gaano katagal… para akong mas nahapo sa paghahanap na walang kasagutan. Nang may kumislot sa kaliwang bahagi ng aking kamay na dinadaluyan ng apparatus, sa pagsinghot ko ay nakaluwag ang pagkakalagay ng daluyan ng hose at nang dumilat ang aking mata ay apat na sulok ng maputing kulay ng dingding, nakapagtataka ay walang estudyante bagkus ay pagkaraming apparatus, pero ang nakapagtataka ay bakit ngayon gusto ko nang magturo, magsumite ng mga deadlines at marinig ang daing ng mga magulang.
Kahit anong galaw ko ay di ako makatayo, di makagalaw hanggang ako ay datnan ng aking ina na ang palayaw ay magkahalong luha at panaghoy, pero ang higit sa lahat na aking ikinabigla ang ngiti sa kanyang mata na nagwikang salamat sa Diyos, ligtas ka na. Kaya’t sa pangalawang buhay na naibigay sa akin ang tangi kong maipapangako ay tupdin ang tungkulin at yakapin ang indayog ng anumang pagbabago at anumang pagal sapagka’t mas higit ang gantimpala na aking natanggap na siya kong pakamamahalin sa aking pangalawang buhay.
— oOo—
The author is Master Teacher I at Rafael L. Lazatin Memorial High School