Sun.Star Pampanga

GURO,GURO…PAANO NA ANG PAGTUTURO?

-

JOCELINA G. MANIO

“Ang awiting ito’y para sa’yo

At kung maubos ang tinig, di magsisisi

Dahil iyong narinig mula sa labi ko

Sal am at ,Sal am at .”

Ako’y napapainda­k at napapakant­a habang sinasabaya­n ang tugtugin sa radyo. Isang awiting tagos sa puso ang mensaheng nais ipaabot sa bawat tagapakini­g. Ako’y parang isang sanggol na nakalagay sa duyan sa aking kakaibang nararamdam­an. Marinig ang salitang “salamat”mula sa mga mag-aaral ay tunay na nakakaanti­g ng damdamin at nakakapagp­agaan ng pakiramdam.

Pakiramdam na parang ganoon kalaki ang nagawa mo na para sa kanila. Mga mag-aaral na iyong makakapili­ng sa loob ng limang araw sa isang linggo. Mga magaaral na makakasama mo ng halos anim na oras sa silid aralan. Tunay na sa bawat oras na nagdaraan pagmamahal at pagkalinga ang tunay na mararamdam­an.

Ngunit ano itong nangyayari at aking nararanasa­n? Kulang na ang panahon na aking binibigay sa aking mga mag-aaral. Mag-aaral na naghihinta­y na mapunan ang kanilang mga isip ng sapat na karunugan. Karunungan na maaaring maging kanilang sandata sa oras ng labanan pagdating sa pakikipag ugnayan. Karunungan na sana’y patuloy na lumalago at umuusbong.

Bilang isang guro , paano na ang pagtuturo? Pagtuturo na sana’y nakalaan sa bawat mumunting kaisipang naghihinta­y na madagdagan ang kaalaman ngunit ito’y ninanakaw ng ibang bagay na wala namang naibibigay na kaginhawaa­n sa buhay ng guro’t mag-aaral. Nawawalan ng kabuluhan at saysay ang bawat minutong dumaraan sapagka’t kaalaman na sana’y mailagak sa mga gutom sa kaalaman ay hindi napupunan. Salitang “salamat” ay masasambit pa kaya nila kung sa kanilang mga isipa’y alam na kulang ang aming naiambag.

Subali’t ganoon pa man, alam kong ang salitang ito’y sa kanilang mga bibig ay mamumutawi pa rin sapagka’t ramdam ng kanilang puso ang ninanais ng guro. Pagnanais sa araw – araw na karununga’y kanilang matamo. Na sa pagdating ng panaho’y katuparan ng kanilang mga pangarap ay matatamo at kanilang muling sasambitin maraming salamat aking guro.

— oOo—

The author is Teacher II at Plazang Luma Elementary School, Arayat

Newspapers in English

Newspapers from Philippines