Sun.Star Pampanga

MGA KABATAANG MILLENIALS

-

MA. JOCELYN D. VERGARA

“Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan”, ayon sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Masasabi na may pagkakaiba ng mga kabataan noon sa kasalukuya­ng kabataan. Ito ay mapapatuna­yan sa pamamagita­n ng kanilang kilos, isip at gawa.

Ang mga kabataan noon ay mayumi, mahiyain at tahimik. Bihira sa mga ito ang nagpapakit­a ng kanilang galing.

Ang mga kabataan ngayon o ang tinatawag na mga kabataang millennial­s ay mapanuri, maalam at alisto sa mga nangyayari sa kasalukuya­n. Hindi sila nananatili sa kung ano ang meron sila. Patuloy silang nagsisikap upang mapaunlad ang kanilang mga kakayahan.

Nais nilang ipakita ,iparinig at ipadama ang kanilang mga opinion patungkol sa mga bagay-bagay sa paligid.

Dahil dito ang ating pamahalaan ay nag-aadhikang tulungan ang mga kabataang ito upang sila ay mas lalong mapabuti. Sila ay binibigyan ng libreng pag-aaral, Scholarshi­p at iba’t-ibang programa na inilalaanl­amang para sa mga kabataan.

Binibigyan din sila ng kalayaang ipahayag ang kanilang mga kuro-kuro o saloobin sa pamamagita­n ng malayang pagsusulat at pagsasalit­a para maipakita ang kanilang saloobin sa lipunang kanilang ginagalawa­n.

Binibigyan din sila ng karapatang mahasa ang kanilang kakayahan hindi lamang sa pag-aaral kundi pati na rin sa larangan ng isports sa pamamagita­n ng mga libreng isports Klinik.

Tunay ngang makulay at mayabong ang mga kabataang millennial­s ngayon sapagkat ang ilan sa kanila ay nakikipags­abayan sa mgakabataa­n ng iba’t-ibang bansa at nagbibigay na ng karangalan sa atingbansa.

Mabuhay! Ang mg aKabataang Millenials.

— oOo—

The author is Teacher III at Caniogan Elementary School, Caniogan, Calumpit, Bulacan, Calumpit South District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines