Sun.Star Pampanga

BUHAY GURO

-

MA. JOCELYN D. VERGARA

Sinasabing ang pagtuturo ay isang marangal na propesyon dahil hindi biro ang ginagawang sakripisyo ng mga guro para lamang sa ika tututo ng mga mag-aaral.

Ang isang guro sa kanyang silid-aralan ay hindi lamang nagtatapos sa pisara at yeso. Sila ay patuloy na naghahanap ng iba’t-ibang paraan upang ang kanilang mga pagtuturo ay maging epektibo at madaling matututuna­n ng kanilang mga mag-aaral.

Bagamat nakalulung­kot na ang mga kagamitang binibigay ng pamahalaan ay hindi sapat para sakanilang pagtuturo sila ay naglalaan ng sarili nilang salapi upang makagawa at magkaroon ng angkop nakagamita­n sa kanilang pang-araw-araw na aralin.

Sila ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiy­a sa pagtuturo gaya ng laptop, telebisyon,projector atbp. para mas maging kaingga-inganyo para sa mga mag-aaral.

Nakalulung­kot ding isipin na ang ilan sa ating mga guro ay nagsisipag-alisan na at naghahanap­buhay sa ibang bansa dahil sa mababang sahod at sa mga karagdagan­g trabaho na inaatas sa kanila.

Mahirap ang maging isang guro, subalit dahil sa sinumpaang tungkulin, ito ay pilit na kakayanin hindi lamang para sa kinabukasa­n ng bawat bata pati narin sa ikauunlad ng ating bayan.

Isa akong guro,ito’y ipinagmama­laki ko. Patuloy na maglilingk­od para sa bata at para sa bayan ko.

— oOo—

The author is Teacher III at Caniogan Elementary School Caniogan, Calumpit, Bulacan, Calumpit South District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines