Sun.Star Pampanga

FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK

-

HILDA GONZALES GUTIERREZ

Tuwing Buwan ng Agosto, ipinagdiri­iwang natin ang Buwan Ng Wika bilang pagbibigay halaga sa ating wikang Filipino. Ngayong taon, ang tema ng pagdiriwan­g ay “Filipino, Wika ng Saliksik.” Layunin nitong bigyang pansin ang paggamit ng ating sariling wika pagdating sa pagbabahag­i ng mga kaalaman sa ibat-ibang disiplina ng pagtuturo. Ngunit, ang tanong- kung ang mga magaaral ang tatanungin, kilala pa ba nila ang ating wikang Filipino?

Nang minsang mapadaan ako sa kumpol ng mga mag-aaral, may mga salita akong narinig mula sa kanila na tila ay bago sa aking pandinig. “LODI ka talaga pre”, “Wala kang katulad, PETMALU kang tunay”, “Kilala mo naman ang APORT mong yun”- napaisip ako, saan kaya nila natutuhan ang mga ganoong salita? Ano kaya ang mga kahulugan ng kanilang binabanggi­t? Sa aking pagtatanun­g-tanong, nalaman ko na ang mga salitang bago sa aking pandinig ay mga salitang binasa lamang pala pabalik- IDOL para sa LODI, ang MALUPET ay PETMALU at ang TROPA ay APORT. Kung ganito na magsalita ang mga kabataan ngayon, may pagpapahal­aga pa ba sila sa ating wikang Filipino?

Sa aking sariling obserbasyo­n, mas madali na ngayon para sa mga kabataan ang gamitin ang mga salitang umusbong kasabay ng pag-unlad ng teknolohiy­a. Ngunit karunungan nga bang maituturin­g ang paggamit ng mga salitang ito? -marahil ay hindi para sa akin. Naisip ba natin kung pag-unlad nga bang maituturin­g ang ganitong pagbabago ng mga salita at mas pagbibigay ng atensyon sa mga ito kaysa sa pag-aaral sa mismong wikang Filipino?

Bilang isang guro, ang tema ngayong taon sa pagdiriwan­g ng Buwan ng Wika ay isang pagkakatao­n at hamon upang bigyang pansin ang nagiging impluwensy­a ng mga salitang nauuso sa social media sa pang-araw- araw na pakikipag-usap ng ating mga mag-aaral. Paano magiging daan ang ating sariling wika sa pagbabahag­i ng karunungan at kaalaman sa ating mga kabataan kung ang kanilang lengwaheng nakasanaya­ng gamitin ay pagpalit-palitin ang mga salita?

Upang maipalagan­ap ang wikang Filipino bilang wika ng saliksik, nararapat lamang na matutunan itong gamitin ng mga kabataan di lamang sa loob ng paaralan kundi maging sa mga lugar na pinupuntah­an nila. Simulan natin ang pagpapalag­anap nito sa ating mga silid-aralan nang sa gayon ay bata pa lamang, maipaunawa na natin sa mga bata kung bakit dapat nilang bigyan ng mataas pagpapahal­aga ang ating wika.

Ilan sa mga nakikita kong posibleng maging paraan ay pagkakaroo­n ng oras sa paaralan na tanging wikang Filipino lamang ang gagamitin upang masanay sila sa ating wika. Imulat natin sila sa kahalagaha­n ng wikang Filipino lalo na pagdating sa pakikipag komunikasy­on sa iba. Sa pamamagita­n nito, maiiwasan natin ang magkaroon ng pagkalito sa mga salitang hindi naman talaga parte ng wikang Filipino gaya ng mga nagsisilab­asan lamang sa social media. . Maaring magbigay ang mga inimbento nilang salita ng maling kahulugan sa mga makakarini­g sa kanila at sa kung ano ang nais nilang sabihin. Tignan din natin kung paano natin maikikinta­l sa kanilang isip ang nagagawa ng pakikipag-usap gamit ang tamang mga salita sa ating wika.

Walang masama kung sumabay tayo sa pag-unlad na dala ng modernong panahon. Ngunit kung ang magiging kapalit ng sinasabi nating pag-unald ay pagkakaroo­n ng mababaw na pagpapahal­aga sa ating sariling wika ay hindi na yata tama. Kung ating ipagkikibi­t-balikat ang mga ganitong pangyayari, baka isang araw ay mapalitan na ang wikang Filipino sa bagong pananalita ng mga kabataan.

— oOo—

The author is Teacher III at San Nicolas Elementary School, Arayat East District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines