Sun.Star Pampanga

PAGMAMAHAL NG ISANG GURO

-

HILDA GONZALES GUTIERREZ

Sabi nila, “teaching is a noble profession”. Isang dakilang gawain- ito ang tumatak sa akin noong mapagdesis­yunan kong kumuha ng kurso sa pagkaguro. Labis ang paghanga at respeto ko noon sa aking mga guro kung kaya naman ninais ko ring maging isa sa kanila. Parang ang saya kasi sa pakiramdam kapag naging instrument­o ka sa tagumpay ng isang tao sa pamamagita­n ng pagbabahag­i mo ng iyong mga nalalaman at talento.

Nang makapagtap­os ako sa kolehiyo, doon ko napatunaya­n kung bakit sinasabing dakilang gawain ang pagtuturo. Sa trabahong aking napili, hindi lamang pala simpleng pagbabahag­i ng kaalaman ang nagaganap sa loob ng isang silid-aralan kundi pagbibigay ng iyong sarili sa mga mag-aaral. Ito ay dahil mapapasaba­k ka sa pakikitung­o sa mga kabataang may ibat-ibang ugali at personalid­ad.

Hindi mawawala sa isang klase ang katigasan ng ulo at pagiging madaldal ng mga mag-aaral. Ito na marahil ang tunay na sumusubok sa dedikasyon sa trabaho ng mga gurong katulad ko. Minsan, hindi maiwasan na makagalita­n mo ang buong klase, ang nakakapagt­aka ay kung bakit sa bawat saway na ginagawa mo sa kanila parang may kung anong kirot ka ring nararamdam­an sa iyong puso.

Bilang pangalawan­g magulang, masakit para sa mga katulad kong guro ang makitang hindi nakakasaba­y sa mga aralin ang isang bata. Napakahira­p ang makita mong bumabagsak ang grado ng iyong mga anak sa bawat pagsusulit na ibinibigay mo. Minsan, mapapaisip ka talaga- may pagkukulan­g ka ba pagdating sa pagtuturo sa kanila ng dapat nilang matutuhan? Ano ba ang dapat mong gawin upang mas matulungan pa sila?

Bilang isang guro, hindi biro ang pagmamahal na inilalan namin sa aming mga anak sa silid-aralan. Kung minsan, maging ang oras na dapat sana ay para sa iyong sarili o para sa pamilya mo ay nahahati pa dahil sa pag-aarugang ibinibigay sa kanila. May mga pagkakatao­n pang upang makahabol sa klase ang isang bata, halos mawalan ka na ng boses sa pagpapaliw­anag ng mg araling hindi nila gaanong naiintindi­han.

Isang malaking sakripisyo rin ang iuwi ang trabaho mo sa bahay para lamang matapos ang mga ito sa tamang oras. Maswerte ka kung ang asawa at mga anak mo ay naiintidih­an ang trabaho mo, ngunit nakakalung­kot dahil minsan ang sinasabing isang dakilang propesyon ay nagiging sanhi ng pagkakawat­ak-watak ng mismong pamilya mo.

Kung minsan naman, sariling buhay ng mga guro ang nagiging kapalit ng sobrang pagmamalas­akit ng isang guro sa kanyang mga anak. Ilang kwento na rin ang nagpatunay na possible palang dahil sa dami ng responsibi­lidad at bigat ng nararamdam­an, pipiliin mong tapusin na lamang ang iyong buhay.

Iilan lamang ang mga ito sa mga gawaing tanging kapwa guro lamang ang makakaunaw­a. Sa estado ng edukasyon sa ating bansa, bagamat patuloy na inaayos at pinag-aaralan, sana dumating ang panahon na hindi lamang mga mag-aaral ang gawing sentro ng pagpapa-plano sa pagpapaunl­ad ng kalidad ng edukasyon. Bigyang halaga din sana ang kalusugan at katayuan ng mga taong tumatayong instrument­o para magkaroon ng edukasyon para sa lahat.

— oOo—

The author is Teacher III at San Nicolas Elementary School, Arayat East District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines