Sun.Star Pampanga

BUWAN NG AGOSTO, BUWAN NG WIKANG FILIPINO

-

MA. JOCELYN D. VERGARA

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda”. Ito ang tanyag na kataga na sinambit ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay halaga sa ating wika. Ang wika ay mahalaga sa bawat isa sa atin. Ito ay naging inspirasyo­n na kataga at nagbigay ng mahalagang aral tungkol sa pagpapahal­aga at pagmamahal ng sariling wika.

Dahil sa mga katagang pinamana satin ni Gat. Jose Rizal. Ito ay pinagpatul­oy ni Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Siya ang nagpasimul­ang maghubog ng Wikang Pambansa ng Wikang Filipino. Dito sa ating bansa marami tayong iba’t-ibang wika na binibigkas katulad ng Tagalog, Cebuano, Boholano, Ilocano,Kapampanga­n at iba pa.

Sinasabing hindi naging madali para sa gobyerno ang pagpili at magtalaga nang sariling Wika sapagkat ito ay maselang usapin ngunit sa huli nakapagdes­isyon na ang mga tao at ang gobyerno na ang ating magiging Wikang Pambansa ay ang Wikang Filipino.

Tuwing buwan ng Agosto ating ipinagdiri­wang ang Wikang Filipino. Ang lahat ng mamamayang Pilipino ay nakikiisa sa taunang pagdiriwan­g nito. Ang mga paaralan, pamahalaan at kahit na mga pribadong sector ay patuloy na nakikiisa sa taunang pagdiriwan­g ng Buwan ng Wika.

Iba’t-ibang klaseng pagdiriwan­g ang ginagawa ng mga tao ,mayroong mga patimpalak sa tula, paggawa ng sanaysay, pagsayaw ng mga “Folk Dance”, pag-awit at iba pa.

Sa mga paaralan nalalaman natin ang kalahagaha­n ng mga bagaybagay isa narito ang wikang Pambansa.

Ang wika ay isang paraan ng kominikasy­on. Dahil dito nagkakaint­indihan ang lahat ng tao. Kahit na mayroon tayong iba’ibang wika tayo ay nagkakaint­indihan dahil sa iisang wika na ating sinasambit, ito ay ang Wikang Filipino. Tayo ay pinagkakai­sa at pinagbubuk­lod nito.

Sa taong ito ang tema sa buwan ng wika ay Filipino: Wika ng Saliksik. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalag­anap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa temang ito, papalagana­pin ang wikang Filipino sa iba’tibang larangan ng karunungan, lalo na sa aghamm at matematika, ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Sa buwang ito mahahasa ang kahusayan ng mga mag-aaral gamit ang kanilang natatangin­g karunungan sa pamamagita­n ng pagsali at paglahok sa mga iba’t-ibang patimpalak na isasagawa ng paaralan.

Ang pambansang wika ay mahalaga. Atin itong ipagmalaki kahit saan man tayo magpunta. Hindi lamang sa buwan ng Agosto natin dapat pahalagaha­n ang Wikang Pambansa bagkus atin itong pahalagaha­n at gamitin araw-araw sa ating buhay.

— oOo—

The author is Teacher III at Caniogan Elementary Schoo, Caniogan, Calumpit, Bulacan, Calumpit South District

Newspapers in English

Newspapers from Philippines