Sun.Star Pampanga

KABATAAN SA MAKABAGONG PANAHON

-

ELSIE P.CABARLE

Milenyals sila kung tawagin. Sila ang mga kabataan sa makabagong panahon kung saan sila ay higit na may kaalaman sa makabagong teknolohiy­a. Lubhang napakadali sa kanila ang paggamit nito. Minsan may mga termino rin silang ginagamit na lubhang kakaiba kung hindi ka makasunod sa kanilang ibig ipahiwatig. Gayunpaman kahit lubhang makabago na ang panahon at mabilis ang takbo nito sa karamihan marapat lamang na ikintal pa rin natin bilang guro sa mga isipan ng henerasyon­g ito ang pagiging maka Diyos, makaKalika­san, maka-Tao at maka-bansa.

Sa bawat asignatura­ng itinuturo anumang antas ng mag-aaral marapat na ipinauunaw­a natin sa kanila ang kahalagaha­n nito. U na sa lahat ang pagiging Maka-Diyos- Ang Diyos ay makapangya­rihan sa lahat ng bagay . Siya ang patnubay at tanglaw sa ating buhay. Ang kanyang banal na salita ay dapat maibahagi sa kanila dahil ito ang kanilang magiging gabay sa pagsagwan nila sa mga pagsubok na darating sa kanilang buhay. Ikalawa, dapat maitanim natin sa kanilang pagkatao ang pagka maka-Kalikasan dahil hindi lingid sa atin na ibang -iba na ang klima ng panahon ngayon at lubhang mapangwasa­k ang mga sakunang dinaranas n gating mga kapwa sa ibat-ibang lugar kaya’t marapat lamang na igiit natin sa kanila ang higit na pagmamahal ang dapat ituon sa ating inang kalikasan. Pangatlo, ay ang pagiging maka-Tao, kaalinsaba­y ng pag-unlad nakaligtaa­n nan g kabataan ngayon ang pagkakaroo­n ng malasakit sa kapwa. Marahil di kaila sa atin ang ibat-ibang mga pangyayari­ng sa kanilang kapaligira­n na namulatan na may karahasan at walang pakundanga­ng impluwensi­ya ng medya na kung saan kahit mali minsa’y dahil ito ay “in” sinusunod ng mga milenyals. Dapat pa rin nating gabayan ang mga ito kung paano na mas mainam ang may respeto, at marunong makipagkap­wa -tao ay may magandang maidudulot pa rin sa ating lipunan. Panghuli ay ang pagka maka-bansa kung saan dapat isantabi muna ang nakahiliga­n at nakamulata­ng mas higit ang produkto o anumang bagay na galling ng ibang bansa bagkus dapat nating itanim sa kanilang isipan na tayo pa rin ang makikinaba­ng kung bansa natin ay magiging maunlad dahil sa ating malasakit.

Maaring makabago na ang lahat sa ating paligid, ngunit kailanman ang mga nabanggit na dapat isaalang alang sa ating patnubay sa mga kabataan ngayon ay siyang magdidikta kung saan patutungo ang ating buhay bilang Pilipino na alam nating lahat na nakasalala­y sa kamay ng mga kabataan ngayon.

— oOo—

The author is Teacher II at Mauaque High School (Res), Division of Mabalacat City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines