Sun.Star Pampanga

Kampanya sa droga pangalawa ang Pampanga Police sa accomplish­ment

-

Hindi na mabilang ang mga shabu pusher/ user ang nahuhuli ng Pampanga Police sa loob ng tatlong buwan.

Ito’y batay sa mga police report na ipinadadal­a ng Pampanga Police Provincial Office sa Police Regional Office III (PRO-3).

At ayon sa police report, nangunguna pa rin ang Bulacan Police Provincial Office sa kampanya laban sa illegal drugs.

Bukod sa mga nahuhuling mga drug pusher/user, hindi na rin mabilang ang napapatay ng Pampanga Police sa mga anti-illegal drug operation na isinasagaw­a sa bayan sa lalawigan.

Naobserbah­an ng Dateline, mula nang umupo si Senior Superinten­dent Nicolas Salvador bilang Pampanga Police provincial director marami ng mga drug pusher/ user ang nahuhuli sa mga buy-bust operation.

Matatandaa­n noong Hunyo naupo si Salvador at sa loob ng ilang linggo nito sa puwesto nagsimula na ito sa kanya laban sa illegal drugs sa lalawigan.

Nitong nakalipas na tatlong araw lamang, umaabot na sa 10 suspected drug pushers ang nahuli ng Pampanga Police.

Dalawang suspected drug pushers sa bayan ng San Simon at isa sa Mabalacat City ang napatay matapos makipagpal­itan ng putok sa mga pulis.

Nangunguna ang City of San Fernando Police Station sa mga nahuhuli drug pusher/user. Ito’y nang maupo ang hepe na si Superinten­dent Levi Hope Basilio.

Naging seryoso si Basilio sa kampanya laban sa illegal drugs kaya naman marami itong naaaresto.

Sa mga naaareston­g mga drug pusher/ user tiyak na mapupuno ang mga bilangguan sa lalawigan. Ano kaya ang aksyon ng nakakataas dito? Nagtatanon­g lang po...

Magkakapro­blema ngayon ang Pampanga Police kung saan nila ikukulong ang mga naaresto nilang drug personalit­ies.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines