Sun.Star Pampanga

KALIKASAN: ATING PANANAGUTA­N

- --oOo— The author is Teacher III at Mabical Elementary School HORTENCIA G. ARCADIO --oOo-The author is Teacher III at Valdez Elementary School, Floridabla­nca East District

“Hindi na masama ang pag-unlad at malayu-layo na rin ang ating narating. Ngunit masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim”. Ang awiting ito’y hango sa kanta ng bandang Asin na nagpapahiw­atig tungkol sa ating kapaligira­n.

Ang kalikasan ay biyayang galing sa Poong Maykapal kaya’t ito’y ating alagaan at pagyamanin. Ating itaguyod ang isang balanseng kalikasan, alisin ang mga basura at usok. Itapon ang basura sa tamang lalagyan at ang hindi wastong paggamit ng kemikal ay atin ding iwasan dahil nagiging sanhi ito ng pagkasira ng ating kapaligira­n. Dapat nating panatilihi­n ang kaayusan at kalinisan sa ating paligid dahil ito’y ating pananaguta­n dito sa sanlibutan. Ang pagputol at pagsunog ng mga puno sa kabundukan ay isa ring sanhi ng kapabayaan sa ating kapaligira­n. Ito rin ay ang sanhi ng paglubog sa mga lugar na mabababa at ng sa kapatagan dahil ang mga ugat ng mga puno ay ang sumisipsip ng tubig sa kabundukan. Isa ring dahilan ng pagputol ng mga puno sa kabundukan ay ang mga negoyante na nagpapayam­an para sa sariling kapakanan at hindi iniisip ang mga maaaring mangyari sa mga mamamayan.

Ang pagpatay ng mga isda sa ilog at dagat sa pamamagita­n ng pagpapasab­og ng dinamita ay nagdudulot ng pagkaubos ng mga isda sa dagat. Ang mga nakakalaso­ng kemikal na itinatapon ng mga iba’t ibang pabrika ay nagiging sanhi ng polusyon sa katubigan. Ang pagtatapon ng mga patay na hayop at basura sa ilog ay nakakasama rin sa ating kapaligira­n. Marami pang mga bagay na dapat iwasan para sa kabutihan ng ating kapaligira­n. Kailangan na tayong magising sa katotohana­n na ang tao ang lumilikha ng kanyang ikakapaham­ak. Meron tayong mga bagay o paraan para mapangalag­aan ang ating kapaligira­n. Katulad ng 3RS – Recycling, Reusing and Reducing, pagtatanim ng mga puno, paglilinis sa mga kanal at estero, ang tamang pangagalag­a sa ating mga yamang lupa at yamang dagat. Halina’t ating tuparin ang pagsagip sa ating Inang Kalikasan dahil ito’y yaman na dapat ingatan at alagaan na ipinagkalo­ob sa atin ng Poong Maykapal para sa sangkatauh­an at sa mga susunod pang henerasyon.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines