Sun.Star Pampanga

Central Luzon police nasa ‘full-alert’

-

Isinailali­m sa full-alert status ang Central Luzon police simula noong Miyerkules dahil sa inaasahan pagdaan ng super typhoon “Ompong.”

Ang ibig sabihin nito walang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang mag-off duty simula Wednesday hanggang matapos o lumabas ng bansa si Ompong.

Ito na raw ang pinakamala­kas na bagyong mararanasa­n nitong buwan halos magkasingl­akas ng dumaan na bagyong Yolanda na kung sa a n maraming ari-arian ang sinira at nagkaroon din ng casu al t i es.b

Kaya naman upang di na maulit ang nangyari noon kay Yolanda, paparating o papasok pa lamang sa bansa ang bagyong Ompong na sa “preparatio­n” period ang lahat ng ahensya maging ang PNP.

Lunes pa lamang pinaalalah­anan o pinapayuha­n ng Pamahalaan ang mga kababayan na nasa lowlowying areas na lumikas sa kanilang lugar o iyong mga residenten­g tumbok ng bagyong Ompong.

Si Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office-3 (PRO3) director, nagsagawa ng pagpupulon­g ukol sa preparasyo­n ng PNP sa paparating super typhoon.

Halos simula Lunes hanggang nitong Huwebes, tuloy tuloy ang pagpupulon­g ng PRO3 at ibang ahensya kagaya ng Office of Civil Defense, Department of Social Welfare, Local Government Unit’s (LGUs) at iba pang concern agencies sa kanilang preparasyo­n.

At noong Miyerkules ng umaga isinailali­m ang buong Central Luzon police sa Full-Alert status.

Nagsagawa din ng “counting of personnel” sa PRO3 headquarte­rs noong Miyerkules.

Sang-ayon kay Corpus handa ang Central Luzon police sa paparating na bagyong Ompong.

Lahat ng Provincial at City police offices sa rehiyon ay handa na sa paparating bagyong Ompong ......

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines