Sun.Star Pampanga

Pina-igting na checkpoint­s

-

Alinsunod sa filing of certificat­e of candidacy (COC) ipinag-utos ni Chief Superinten­dent Amador Corpus, Police Regional Office III (PRO-3) director ang pagtatayo ng mga checkpoint sa Central Luzon.

Kaya naman simula noong Lunes (Oct. 8), marami ng na PNP checkpoint ang makikita natin sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na itinayo ng provincial at city police offices.

Karamihan nito nagsasagaw­a ng checkpoint ang mga PNP sa gabi dahil dito dumadaan o nag-ooperate ang lawless elements, ayon kay Corpus.

Lahat ng mga dumadaan riding-intandem ang sinisita ng PNP sa mga checkpoint.

Walang pinalalamp­as na mga riding-in-tandem ang PNP lalo na iyong mga walang plate number na m ot or cycl es.

Kung minsan ang iyong iba ay kanilang ini-impound ang motorcycle kapag walang sapat na dokumento maipakita ang mga rider.

Maging iyong mga rider na walang lisensya ay kanilang hinuhuli, ayon sa report.

At simula noong Oct. 10, (Wednesday) na kung saan nagsimula ang filing of COC, lalong pina-igting ng PRO3 authoritie­s ang checkpoint sa mga strategic area maging sa pangunahin­g l ansangan.

Hindi na rin mabilang ang naimpound na motorcycle­s at naarestong rider dahil wala silang kaukulang dokumento.

Kaya lang kung minsan kapag nakikita ng mga riding-in-tandem na may checkpoint ang ginagawa nila ay babalik ang mga ito.

Ang dapat gawin ng mga nagsasagaw­a checkpoint ng PNP, mayroon silang nakasibily­an na nakapuwest­o bago sa lugar ng checkpoint upang mahuli ang mga riding-in –tandem.

Sang-ayon kay Corpus, kanilang ipagpagtul­oy ang checkpoint upang matiyak na kaligtasan ng mga residente ng Central Luzon.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines