Sun.Star Pampanga

PAG-AARAL PARA SA KINABUKASA­N

- MAILEEN CARREON MANALOTO

Ang tagumpay sa eskwelahan ay hindi lang nasusukat sa talino. Ang kakayahang mag-aral ng mabuti at ang pagiging desedidong malinang ang abilidad ng bawat isa ay nagpapadag­dag din sa pagiging matagumpay ng isang estudyante. Totoo na ang talino ay natural na sa bawat tao, subalit mapapalago­m mo pa ito sa mga iba’t ibang paraan ng pag-aaral.

"Studying is a skill."

-Mayland Community College (April 2002)

Kung gugustuhin mong magtagumpa­y sa pag-aaral, kailangan mong malaman na hindi lang simpleng pagbabasa ang dapat mong gawin. Ang pagiging organisado sa oras na nilalaan mo sa iba’t ibang aktibidad ay kasama din sa mga paraan para mapalinang ang iyong pag-aaral. Nandyan din ang konsentras­yon at disiplina sa sarili na nagpapanat­iling nakapokus ka lamang sa iyong layunin. Kung idadaan naman sa pag-uugali ng isang tao, kailangan ang pagiging desedido na matuto at mapalago pa ang sarili.

Bawat isang estudyante ay may kani-kanyang paraan ng pag-aaral. Sa pagtuklas ng mga kalakasan at kahinaan sa pag-aaral, doon mo malalaman ang paraan na bumabagay at epektibo sa iyo na magpapadal­i ng iyong pag-aaral. Magagamit din ito sa iba pang anggulo ng buhay tulad sa trabaho, propesyon, at iba pang aktibidad na nangangail­angan ng pag-iisip, pagpaplano, at disiplina sa sarili.

"Instead of working harder, you will be working smarter."

-Mayland Community College (April 2002)

Malaman kung paano ka natututo ang unang hakbang para sa pagdebelop ng epetibong paraan ng pag-aaral. May iba't ibang paraan kung paano natututo ang tao.

Ayon sa artikulo sa Developing Effective Study Habits (April 2002), may tatlong paraan ang isang tao para matuto. Una, ang biswal na paraan, kung saan mas natututo ang tao sa paraang nakikita niya. Halimbawa nito ay ang paggamit ng mga larawan, graphs, at tsart. Pangalawa ang paraang auditory. Dito natututo ang tao sa pakikinig, pagbabasa ng malakas, at mga aktibidad na kung saan ginagamit ang pakikinig. Ang panghuli ay ang paraang aktwal o hands-on. Sa paraang ito mas nagiging masigla ang pagkatuto dahil ginagamit ang mga pisikal na aktibidad para mas maintindih­an ng tao ang paksa.

--oOo— The author is Teacher III at Dolores Elementary School, Porac, Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines