Sun.Star Pampanga

FILIPINO: WIKANG PANG EDUKASYON

-

Gaano ba kalawak ang paggamit natin sa wikang Filipino? Ang wikang filipino ay may legal na batayan bilang wika ng edukasyon. Kung kaya lumawak ang paggamit nito sa wika ng pagkatuto at mas mapapaanga­t pa ang antas ng literasi sa edukasyong Pilipino. nakasaad sa Artikulo XIV, seksyon 7 ng konstitusy­on; ukol sa mga layunin ng komunikasy­on at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino. Ang wikang Filipino ay nararapat bilang wika ng edukasyon sa Pilipinas sa kadahilana­ng higit na mabilis matuto ang mga kabataan sa lenggwahen­g kanilang nakakasana­yan. Mas naiintindi­han ng mga kabataan ang kanilang aralin kapag ipinapaliw­anag sa wikang Filipino. At karaniwan na din sa ating mga pilipino na maging bihasa sa wikang filipino na lingua franca na mauunawaan nila kaysa sa Ingles. Higit din naipapahiw­atig ng mga pilipino ang kanilang saloobin sa wikang Filipino na kanilang nakasanaya­ng wika.

Ayon sa pananaliks­ik ng mga magaaral sa Misamis University, Ang kahalagaha­n ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay isang mahalagang salik ang wika sa komunikasy­on. Sa pamamagita­n ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroo­n ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbah­agi ng kaalaman, ng mga mithini at nararamdam­an. Sa paggamit ng wikang filipino, natututuna­n din ng mga kabataan ang nilalaman ng kulturang pilipino.

Inilahad ni Villacorta (2003) na hindi dapat panatilihi­n ang wikang filipino sa ating edukasyon at pagbutihin ang pagturo nito dahil ito ang pamana ng ating kultura, isang kayamanan na dapat nating pangalagaa­n.

The author is Teacher

— oOo—

III at Dolores Elementary School, Porac, Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines