Sun.Star Pampanga

LTO driver’s licensing may extension office?

-

Hindi pa rin nawawala ang mga fixers sa Land Transporta­tion Office (LTO) drivers licensing sa compound ng Provincial Capitol.

Sang-ayon sa Intelligen­ce Officer (IO) ng Dateline, ang nasabing extension office ng LTO ay para sa mga fixer.

Ganito na ba kalakas ang mga fixer sa pamunuan ng LTO at nakapagpat­ayo pa ng kanilang opisina na malapit sa People’s Gym.

Hanggang sa kasalukuya­n hindi pa rin nawawala ang mga fixer sa LTO na kung saan binibiktim­a nila ang mga bagong kumukuha ng Non-Profession­al at Profession­al drivers license.

Nilalapita­n kaagad ng mga Fixer ang mga target nilang biktima at sila’y aalukin upang mapadali ang kanilang pagkuha ng drivers license, ayon sa IO.

Sa halagang P2,500 ang bagong kukuha ng non-prof at prof drivers license ay tiyak na papasa sa LTO exami nat i on.

Sa written examinatio­n, ang gagawin ng Fixer ay bini-briefing ang mga ito at maging ang sagot sa examinatio­n kanilang ibinibigay sa examiners, ayon sa IO.

Sa P2,500 bukod sa examinatio­n kasama na dito ang bayad sa driving test, ayon sa IO.

Ang hindi lang kasama sa P2,500 ay iyong medical examinatio­n na P350.

Kung tututusin wala naman driving test nagaganap dahil kasama na rin sa P2,500 na ibinayad ng mga biktima.

Pagdating sa ID na kung kasama din sa P2,500 ibinayad mo sa Fixer at kung gusto mo makuha kaagad ito panibagong deal na naman ito.

Sa halagang P500 sa ilang oras lamang makukuha mo ang ID mo, ayon sa IO.

Kaya naman ang Fixing sa LTO hindi pa rin nawawala kahit na mayroon babala ang pamunuan na “No Dealing to Fixer.”

Ano masasabi ng Regional Director ng LTO3? Nagtatanon­g lang po...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines