Sun.Star Pampanga

ANG PABORITO KONG ESTUDYANTE

- CATALINA C. SANTOS

Alam mo ba si Onyok? Ay oo si Onyok, ayun naghamon na naman ng away sa mga kaklase. Eh Si Baste, laging tulog sa klase ko,inahayan lang ng magulang na mangalakal. Si Simang na laging absent siya daw ang nag aalaga sa mga maliliit na kapatid.Naku si Gorio grabe yung bata na yon wagas kung sagut sagutin ako palaging walang takdang aralin.

May kanya kanyang kuwento may nakakatawa, nakakalung­kot, nakakainsp­ire at nakakagula­t.

Marahil guro ka nga kapag ang laging paksa ay mga estudyante. Kahit pa nasa stress free ka na lugar sa mall , o kumakain sa isang restawran man, at maging sa bahay walang bukambibig kundi ang mga mahal nating mga estudyante.

Hindi tsismisan kundi kuwentuhan ,siguro dahil sa pag aalala sa kanilang kalagayan na maaaring mkaapekto sa kanilang pag-aaral.Lalu na ang mga batang kailangang pag ukulan ng panahon dahil salat sa maraming bagay.Sila marahil ang paboritong paksa sa kwentuhan ngunit sila ang higit na nangangail­an ng kalinga at atensyon lalu ng kanilang mga magulang.

Mabuhay ang mga gurong handang umalalay sa mga batang kapansin pansin at laging pinag uusapan sa paaralan.Sila ay may mga dahilan bakit nagagawa nila ang mga bagay na di sang –ayon sa ating mga guro.

Dalangin ng mga guro na naway wala ng batang magulo, palaaway, natutulog sa klase, nagugutom ,problemado, upang ang mga kuwentuhan nalang ay ganito “Si Onyok lagi nagrerecit­e,Si Simang mataas ang grado nakuha,Si Baste ayun natapos ang lahat ng pinapagawa ko ,napakagali­ng ni Gorio sa matematika”.At iba pang magaganda at positibong kwentuhan para sa mga paborito nating mag-aaral.

--oOo-The author is Teacher II at Sindalan Elementary School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines