Sun.Star Pampanga

OL, ML o UL

-

EDMOND O. YUMANG

Isa sa matandang kaisipang Pilipino, “ang pagsunod sa utos ay tanda ang paggalang at pagrespeto sa mga taong nakakatand­a sa atin.” Maging sa trabaho man o sa bahay, kailangan nating sundin ang mga utos na ito bilang nakakatand­a o nakatataas sa atin.

Ang internet ay may malaking pakinabang sa pamumuhay ng tao. Marami itong positibo at negatibong naidudulot sa iba’t ibang larangan. Sa kasalukuya­n, ang online games ay kinahihili­gan ng kabataan. Ang online games mga uri ng laro gamit ang cellphone o computer na nangangail­angan ng koneksyon sa internet. Di maikakaila na nagdudulot ito ng malaking epekto sa kabataan. Dahil mas tinatangki­lik ng kabataan ang mga online games ay tila napag-iwanan na ang mga tradisyuna­l na laro tulad ng patintero, tumbang preso, piko, atbp. Sa mga larong nabanggit, ginagamit ng kabataan ang iab’t ibang parte ng kanilang katawan o mas aktibo ang kanilang paggalaw.

Isa sa mga nauusong larong online game ay ang Mobile Legend. Isa itong klase ng laro na ginagamita­n ng internet. Ang mga naglalaro ay nangangail­angan ng limang kasangga at lima rin sa kalabang grupo. Ang layunin ng laro ay matalo ang mga kalaban, mawasak ang mga tore, masira ang main based at mapatay ang mga kalaban. Mahabang oras ang kailangang gugulin upang mapagtagum­payan ito.

Kadalasan, kahit san man ang kabataan, mapabahay, eskwela, sasakyan basta may pagkakatao­n at may signal iseset ang kanilang laban. Minsan nga napapasiga­w o kaya naman ay napapamjur­a pa ang iba dahil sa paglalaro. Minsan din, sa sobrang sarap ng laro sasabay pa ang utos ng mga magulang nila. Kadalasang isasagot ay ang tinatawag na “UL (utos later) na lang,” minsan naman sasagot pa sila ng “sandali na lang” o minsan “five minutes na lang.” Isa ito sa nagiging bunga ng pag-init ng ulo ng mga magulang. Tila nakararamd­am ang mga magulang ng di pagkilala sa “salita ng magulang” o di pagrespeto sa kanilang mg autos o kahingian. Nawawala na ang “kapangyari­han ng wika” ng isang magulang nang dahil sa mga online games na nilalaro ng mga anak.

Mabuti ang maidudulot sa atin ng ano mang bagay kung tama at wasto itong nagagawa. Tandaan, “ano mang labis ay may hapis.” Kung batid natin ang anomang limitasyon at hangganan walang magiging problema at paglimot sa tamang asal. Disiplina sa sarili ang isa sa mga susi upang magampanan natin ang tunay na identidad at pagkakilan­lan bilang tao na nilikha ng Diyos.

— oOo—

The author is Teacher III at Santos Ventura National High SchoolSHS

The author is Teacher Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines