Sun.Star Pampanga

PAGTAWID SA PEKENG BALITA

-

EDMOND O. YUMANG

Ayon sa sarbey, cellphone ang unang tinitingna­n ng kabataan pagkagisin­g sa umaga. Facebook, tweeter, Instagram at marami pang ibang halimbawa ng social media. Libo-libong impormasyo­n kada araw ang dumaraan sa ating mga mata. Paano ba natin matitiyak kung tama ba o mali ang mga impormasyo­ng ito lalo na’t ugaling Pilipino na sa unang tingin o basa pa lamang ay pinaniniwa­laan na ito?

Maraming positibong naidudulot ang social media sa buhay natin pero may kakambal din itong negatibo. Paano ba natin sinisipat ang mali sa tama o ang tama sa mali? Ika nga nila, “think before you click” at lalapatan ko ito na aking sariling bersyon… “think twice before I believe.” Ang fake news ay mga impormasyo­ng hindi totoo, gawa-gawa at walang katotohana­n. Sa madaling salita, retokado! Isa lamang ang magandang solusyon sa problemang fake news na naglipana sa social media… ang pagsuri at pagtiyak sa binasa. Una, kanino galing ang impormasyo­n? May kredibilid­ad ba ang taong nagpost nito? Ikalawa, ano ang intensyon o kaya naman ay motibo ng taong nag-post nito? At ikatlo, bilang mambabasa, dapat ba akong maniwala agad sa aking binasa o nakita?

Nilikha tayo ng Diyos na may dalawang mata at dalawang teng. May magandang layunin bakit tigdalawa nga ba. Ito ay upang makita at marinig natin ang dalawang panig ng kwento. Kailangang malimi natin kung ito ba ay tama o mali. Ganiyan dapat natin tinatangga­p ang bawat impormasyo­ng nababasa natin gamit ang social media upang sa gayon ay hindi tayo maloko o maisahan ng fake news.

Ang tanging solusyon ay magbasa nang magbasa nang magbasa… magbasa ng maraming reperensiy­a upang sa gayon ay makita at malaman ang tama sa mali o mali sa tama. Iwasang maniwala o mapaniwala kaagad ng iyong binasa. Tawirin mo ito sa pamamagita­n ng tamang paghakbang. Huwag kang lumundag o kaya naman ay tumakbo. Maglakad lamang upang maramdaman ang bawat yugto ng katotohana­n sa likod ng iba’t ibang post gamit ang social media.

— oOo—

The author is Teacher III at Santos Ventura National High School-SHS

Newspapers in English

Newspapers from Philippines