Sun.Star Pampanga

WIKA NG TEKNOLOHIY­A

-

EDMOND O. YUMANG

Put… .ina! Bobo! Kaya mo iyan! Napakahusa­y mo! Pare-parehong salita, iba-iba ang kahulugan at iba-iba ang dulot nito sa atin. Positibo o kaya naman ay negatibo, Maaaring nakakatuwa o nakakaiyak… nakabubuha­y o kaya naman nakamamata­y. Iyan ang mga idinudulot ng wika sa atin. Ilan lang iyan sa mga salitang nababasa natin gamit ang teknolohiy­a o ng social media.

Ang wika ay pangunahin­g kasangkapa­n ng tao upang makapagpah­ayag ng kaniyang kaisipan, damdamin at saloobin. Sa pamamagita­n ng paggamit nito, kaya nating matiyak kung ano ang nais nating ipahayag sa aing kapwa. Kaya nating kumontrol ng ating kapwa, nakapagbib­igay din tayo ng akmang impormasyo­n tungkol sa mga bagay-bagay, malaki rin ang naitutulon­g nito upang maisulat ang kasaysayan na siyang pagbabatay­an ng susunod na henerasyon. Kung wala ang wika, titigil ang paglinang ng tao sa kaniyang sarili at paligid. Napakahala­ga ng wika sa ating sarili, sa pamilya, sa komunidad at sa lahat. Ang kapangyari­hang dulot nito sa atin ay di kayang sukatin nang sino man. Ang pagkawala ng wika sa buhay ng tao ay tulad ng isang halaman na tinanggala­n ng hangin at tubig. Ganiyan ang kapangyari­han ng wika sa tao. Mawawalan ng saysay ang buhay kung wala ang wika. Espesyal itong regalo ng Diyos sa atin bilang tao sapagkat ito rin ang gamit ng Panginoon upang mas maunawaan natin ang tamang daan na dapat tahakin natin. Pero nagagampan­an ba natin ng tama ang responsibi­lidad ng paggamit ng wika sa social media?

Hindi natin kailangan ang ano mang kapa na isusuot sa ating likuran upang masabing super hero tayo. Lahat tayo ay makapangya­rihan sapagkat may wika tayong ginagamit. Ito ang siyang magpapaang­at sa atin o magpapabag­sak sa atin. Kaya sa susunod na paggamit natin nito, tiyakin natin na magamit natin ito nang tama at akma lalo na sa social media.

— oOo—

The author is Teacher III at Santos Ventura National High School-SHS

Newspapers in English

Newspapers from Philippines