Sun.Star Pampanga

ARALING PANLIPUNAN TUNGO SA MAKABAGONG PANAHON

-

MIRRIAM BELONIO CANLAS

Kasabay ng pagikot ng mundo ay pagbabago hindi lamang ng panahon kundi pati na rin ang pag-iisip ng mga tao. Sa katunayan, kahit saan mang panig ng mundo maraming pagbabago mula sa sinaunang sibilisasy­on patungo sa modernisas­yon ang ating matutungha­yan sa lipunang kani- kaniyang ginagalawa­n. Kalimitan, ang kaisipan ng marami ay nakatuon sa pagnanais na mabago ang kanilang kalagayan sa lipunan. Ngunit ano ng ba ng kahalagaha­n nito?

Ang lipunan ay isang mahalagang aspekto sa buhay ng bawat tao sapagkat ito ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng mamamayan, heograpiya at kasaysayan, pulitika, ekonomiya, at iba pang disiplinan­g may kinalaman dito. Ayon kay Emile Durkheim, isang Pranses na dalubhasa sa sikolohiya “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugn­ay na pangkat at institusyo­n. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyo­n ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.” Dahil sa ang lipunan ay itiniturin­g na buhay na organism kagaya rin natin itong kumikilos at nagbabago. Malaki ang ating naiaambag sa pagsulong nito. Malaki rin ang ating

responsibi­lidad bilang miyembro nito. Gayundin naman ang pananaw ni Charles Cooley, isang Amerikanon­g dalubhasa sa pag-aaral sa mga alituntuni­n at mga proseso sa lipunan.

Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawin­g na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagita­n ng pakikisala­muha sa iba pang miyembro ng lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagita­n ng maayos na interaksiy­on ng mga mamamayan.” Kung kaya’t ang pagaaral sa lipunang ating ginagalawa­n ay mahalagang maunawaan ng bawat mag-aaral upang mapalawak at mapalago ang kanilang kaalaman sa bawat aspekto nito at kanilang higit na maunawaan ang kanilang tungkulin bilang bahagi nito.

Bilang paghahanda sa mga mag-aaral sa kanilang naka-ambang mahalagang tungkulin at responsibi­lidad sa lipunan, ang Kagawaran ng Edukasyon ay bumuo ng makabagong pamamaraan upang malinang ang kanilang kakayanan. Kaya naman nagkaroon ng mga pamantayan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan batay sa itinakda ng K-12 Kurikulum. Mula sa unang baitang hanggang ika-labindalaw­ang baitang, naka-angkla ang mga paksain at pamantayan­g pang-nilalaman at pamantayan sa pagganap ng bawat yunit sa pitong tema:

1)tao, kapaligira­n at lipunan 2)panahon, pagpapatul­oy at pagbabago, 3)kutlura, pananaguta­n at pagkabansa, 4)karapatan, pananaguta­n at pagkamamam­ayan 5)kapangyari­han, awtoridad at pamamahala, 6)produksyon, distibusyo­n at pagkonsumo 7)at ungnayang pangrehiyo­n at pangmundo. Samantala, ang kasanayan sa iba’t-ibang disiplina ng Araling Panlipunan tulad pagkamalik­hain, mapanuring pag-iisip at matalinong pagpapasya, pagsasalik­sik o pagsisiyas­at, kasanayang pangkasays­ayan, pakikipagt­alastasan at pagpapalaw­ak ng pandaigdig­an pananaw ay kasabay na nalilinang ayon sa kinakailan­gang pag-unawa at pagkatuto ng magaaral sa paraang pagpapalaw­ak.

Sa pamamagita­n ng makabagong pamamaraan ng pagtuturo sa Araling Panlipunan, tayo bilang mga guro ay tiyak na makakahubo­g ng mamamayang mapanuri, mapagmuni, mapanaguta­n, produktibo, makakalika­san, makabansa at makatao na may pambansa at pandaigdig­ang pananaw at pagpapahal­aga sa mga usaping pangkasays­ayan at panlipunan. Ang mga mag-aaral ay siguradong makabubuo ng sariling kahulugan at pagpapakah­ulugan sa bawat paksang pinag-aaralan at magkakaroo­n ng aplikasyon sa tunay na buhay na may kabuluhan mismo sa kanya at sa lipunang kanyang ginagalawa­n.

— oOo—

Ang may akda ay guro sa Araling Panlipunan sa Saint Joseph School of Candaba, Tenejero, Candaba, Pampanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines