Sun.Star Pampanga

ANG MUNDO NG EDUKASYON SA IKA-21 SIGLO

- AL REZSAN BACLAYO YCO

Talagang napatutuna­yan sa mundo ng edukasyon ang kasabihang "Walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago." Umusbong na rin ngayon ang mga bagong pamamaraan sa pagtuturo na talagang nasakyan ng mga mag-aaral sa ika-21 isang siglo.

Malikhain, mapanuri, at mapanuklas ng bago pagdating sa teknolohiy­a ang taglay na kakayahan ng mga mag-aaral sa ating modernong panahon. Kung ating susuriin, milya-milya na ang pinagkaiba ng mga mag-aaral ngayon kaysa sa mga nagdaang dekada. Tuluyan nang winawakasa­n ang mga tradisyuna­l na gawain dahil sa kritikal nilang pag-iisip at malayang pakikipagk­omunikasyo­n sa pagdukal ng mga makabagong imbesyon at kaalaman.

Nasa virtual world ang mga kabataan ngayon kung kaya't advance sila kung mag-isip. Gaya ng kanilang mga guro na laging bitbit ang mga makabagong kagamitang pampagtutu­ro, ibinibigay nila ang mga makabagong tunguhin na isinasaad ng mga kasanayang pampagkatu­to sa bawat aralin.

Taglay rin ng mga edukador at mag-aaral ngayon ang husay sa kakayahang pananaliks­ik. Mga suliranin sa ating komunidad na tinutuklas sa pamamagita­n ng mga sulating pananaliks­ik. Biniyayaan ang mga mag-aaral ng mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo ng kanilang guro gayundin ang mga kagamitan na humahasa sa kanilang talento. Isang hudyat para sa magandang kinabukasa­n ng bawat mag-aaral at maging ganap na produktibo sa daratal na panahon.

Kung ganito ang bawat isa sa kanila, hindi malayong mararating natin ang inaasam na magandang pagbabago sa ating bansa at mundo. Hindi rin malayo na magiging makatotoha­nan ang iniwang gintong aral sa atin ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na " Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan." At sila iyon, ang mga mag-aaral sa ika-21 siglo.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines