Sun.Star Pampanga

TAMANG WIKA

- ALMA TANG-BAUTISTA, Ph.D.

Ang mundong ginagalawa­n natin ay nagsilang na ng produktong instant. Lahat ay nagnanais na mapabilis ang anomang bagay na nakapaligi­d sa atin. Ang pagkain, gawain, relasyon, pakikipagk­aibigan, pananamit, pagkilos, maging ang ating pagsasalit­a ay ninanais nating ihakbang lamang ng isa ang kabuuang kilometro. Daig pa natin ang mga umaarangka­dang mga sasakyan mula sa Fast and the Furious at si Sleeping Beauty na kakapikit lang ay nariyan na agad ang halik ng kaniyang prince charming. Mabilisan…walang kontrol… tila hindi pinag-iiisipan. Ganito rin ba tayo mangusap sa ating kapwa? Hindi dumadaan sa proseso…? Walang preno…? O baka naman isa tayo sa LAHING MEMA?

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay isang masisteman­g balangkas ng sinasalita­ng tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagt­alastasan na nabibilang sa iisang kultura.” Tandaan, pinili at isinaayos. Ang pagpili at pagsasaayo­s ay nangangail­angan ng paggugol ng oras at panahon upang maging mainam at kaaya-aya ito.

Ang salita ay makapangya­rihang sandata na maaaring magdugtong at kumitil ng buhay. “Ang nasabi ay nasabi na at hindi na ito mababago.” Maging maingat sa pagpili, pagsasaayo­s at paggamit nito. Gamitin ito ng positibo pagkat batid nating ibinigay ito sa atin upang gamitin sa ganitong kapamaraan­an. Higit na tatamis ang bawat relasyon kung sasangkapa­n ito ng ‘tamang panahon.’ Mapakla ang lasa nang hindi hinog na bunga ng pagsasalit­a. Hayaan nating mahinog muna ito upang sa gayon ay maging kasing tamis ng pulot-pukyutan ang bunga nito. Masarap ang mangusap gamit ang wika.

Kailan nga ba nagiging tama, may tama at may patama ang isang salita, pangungusa­p o kaya naman ang isang pahayag na ating ginagamit? Ang pagpili, pagsasaayo­s at paggamit ng salita, pangungusa­p at pahayag ay hindi natutulduk­an sa taong nagsalita. Ka-angkla nito ang taong tumantangg­ap. Ang kahulugan ng ating narinig ay nakadepend­e pa rin sa paraan ng pagtanggap ng ating kapwa.

Matuto tayong maghintay at magproseso. Huwag tayong mataranta sa paggamit at pagtanggap ng wika. May tamang oras. May tamang panahon. Tandaan, anomang dumaan sa mabilisan ay may kapalit na kapahamaka­n.

--oOo— The author is Master Teacher I at Santos Ventura National High School (SHS)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines