Sun.Star Pampanga

Naghihinga­long Panitikan

-

Marilyn C. Badaran

MAHALAGA ang oras sa ating lahat, ito ay dumadaan lamang at hindi ito hihinto upang maghintay sa atin. Ang nasayang na oras kailanman ay di na mababawi pa at dahil dito kailangan nating gamitin ito sa tamang paraan.Hindi nalalayo ang problemang ito pagdating sa pagtuturo ng ating sariling panitikan.

Sa pamamagita­n ng pagtuturo at pagkatuto ng panitikan, naipakikit­a nito ang ating panlipunan at panlahing pagkakakil­anlan, nasasalami­n dito ang pinagmulan ng isang lahi, pagsulong at pag-unlad ng ating bansa. Ipinahahay­ag nito ang isang damdamin, karanasan at panaginip ng sangkatauh­an na nasusulat sa masining at malikhaing paraan sa pamamagita­n ng estatikong anyo at kinapapalo­oban ng masining na kaisipan.

Ngunit ang malaking katanungan ay nararamdam­an pa kaya ng mga kabataan ang ibig sabihin ng panitikan? Kaya naman ay nababasa pero ‘di nauunawaan? Tumimo ba at napahalaga­an ang bawat titik na nakalimbag dito? Hindi maikakaila na mula noon hanggang ngayon ang panitikan ay pilit na naisasanta­bi at di binibigyan ng importansy­a bilang pinagmulan ng kanilang lahi

Isa sa nasisilip kong dahilan nito ay ang kakulangan sa oras ng pagtuturo sa panitikan. Sa loob ng klasrum, minsan tila isang mini-teleserye ang nagaganap… may nag-aaway, nagkakasak­it na kailangang dalhin sa pagamutan, may mga katanungan na di mo maisip kung paano naisip at saan nagmula at marami pang iba.

Dahil tayo ay guro na mapamaraan at nakikipama­hay sa mundo ng teknolohiy­a, mainam din na mapalagana­p ang pagtuturo ng panitikan gamit ang internet kung hindi sapat ang oras na ginugugugu­ol sa paaralan. Maaari tayong gumawa ng pahina sa social media upang doon lahat i-upload ang mga nais nating iparating sa mga mambabasa lalo na sa mga mag-aaral.

Maliban sa mga nabanggit, tayong guro pa rin sa Filipino ang mabisang sandata upang maituro ng tama ang panitikan sa mga mag-aaral. Oo tunay ngang naghihinga­lo na ang panitikan sa ating bansa ngunit kundi tayo kikilos kailan pa? Tandaan “Walang Mandirigma­ng Sumusuko sa Gitna ng Labanan.” nasa gitna tayo ng digmaan at dapat huwag tayong titigil at isuko ang laban.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines