Sun.Star Pampanga

PAG IBIG NG DIOS

Ruth S. Lapuz

-

Ramdam mo ba ang Pagibig ng Dios? Sa aking panayam kay Jorli,16 taon gulang,naikuwento nya ang mga karanasan nya sa buhay mula nagkaisip siya hanggang sa kasalukuya­n.

Anak sa pagkadalag­a ang bata.Dahil sa nagtatraba­ho ang ina,naiiwan si Jorli sa kanyang lola. Minsan niyaya siya ng tiyo niya na maglaro ng “bahay-bahayan”. Isa, dalawa, tatlong beses , hindi na mabilang ni Jorli ang paghalik,panghipo,at pagpatong sa kanya ng tiyuhin. Sa murang edad wala sa isipan ng bata ang mga nangyari.Lumalaki si Jorli na maraming katanungan sa mura nyang kaisipan.Nasaan kaya ang tatay ko?Mahal din kaya ako? Ang alam nya mahal siya ng kanyang ina dahil bawat hiling nito ay naibibigay naman,nang nabubuhay pa ang kanyang ina. Sa pagkawala ng ina at wala na rin ang kanyang lola,siya ay namasukan bilang isang tindera sa palangke.

Masipag mag-aral ang bata. Kahit na minsan lumiliban sa klase , sinisiguro niyang makahabol sa mga aralin nila. Sa katunayan,siya ang may pinaka mataas na marka sa bawat asignatura nila noong nag-aaral pa siya.

Hindi natapos ang Grade 10,nakapag asawa si Jorli. Kasalukuya­n may isang anak na ito. Sa aming pag-uusap hindi ko nakitaan ng panghihina­yang ang bata,bagkus ang PAG-IBIG NG DIOS,ang laging namumutawi sa kanya. Isang inspirasyo­n sa akin ang batang si Jorli na KAHIT ANONG PAGSUBOK SA ATING BUHAY BASTAT NANALIG KA AT ALAM MONG MAY DIOS NA NAGMAMAHAL SA IYO ,KAYANG KAYANG HARAPIN ANG HAMON NG BUHAY. SALAMAT SA PAG-IBIG NG DIOS.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines