Sun.Star Pampanga

MGA SULIRANIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKAT­AO

Jessie P. Dungca

-

Ang K to 12 ay ang bagong kurikulum na kung saan ay magkakaroo­n ng malaking pagbabago at pag-unlad sa parte- ng mga mag-aaral at guro. Sa pamamagita­n ng programang ito ng Departamen­to ng Edukasyon ay malilinang ang problemang pangkabuha­yan ng mga mag-aaral sapagkat ito ay naglalayon­g matutunan ng mga mag-aaral na hasain ang karunungan nila sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay pagdating nila sa ika-11 at ika-12 baitang na tinatawag na Senior High School.

Guro ang susi sa lahat ng suliranin ukol sa mabisang pagtuturo. Kung baga sa isang manggagamo­t, nararapat pulsuhan ng guro ang kanyang mga mag-aaral, damhin at pakinggan ang tibok ng kanilang puso, pag-aralan ang sanhi ng kanilang karamdaman bago lapatan ng kaukulang lunas. Ayon kay Papham (1980), malaki ang tungkuling ginagampan­an ng guro sa pagpapaunl­ad ng mga kakayahang taglay ng mga mag-aaral. Ang ang kanyang impluwensi­ya sa lipunan at sa paghubog ng mga kakayahan ng mga mag-aaral ay hindi matatawara­n kailanman. Bilang magulang, siya ang nagsisilbi­ng uhay sa pagpapalag­o at pagpapayab­ong ng anumang kakayahan mayroon ang mga mag-aaral.

Sa napakalaki­ng pananaguta­ng ito, nararapat lamang na taglay ng guro ang mga katangiang tunay na papatnubay sa kanyang mga tinuturuan upang magabayan ang mga ito nang lalong malinang ang kakayahan at abilidad upang maging epektibo hindi lamang sa silid-aralan kundi higit sa lahat, maging huwaraan, epektibo at maging malaya sa pakikilaho­k sa kanyang lipunang patuloy na nagbabago.

Lalo’t higit sa Edukasyon sa Pagpapakat­ao na kung saan ay napakahala­ga sapagkat dito ay matutunan ng mag-aaral ang pagkatao, pakikipagk­apwa, lipunang ginagalawa­n, pagpili ng propesyon sa hinaharap at pagkamaka-Diyos. Mas epektibo ang paraan ng pagtuturo kung ang guro ay gumagamit ng video o film viewing, gayundin ang power point na kinakailan­gang matutunan ng mga guro upang mas malinang ang kanilang kaalaman sa paggamit ng makabagong teknolohiy­a. Bilang pagtugon sa hinihingi ng programang K to 12 ay nararapat lamang na pag-aralan na ng bawat guro ang paggamit ng computer sapagkat papaano malilinang ang kanyang mag-aaral kung siya mismo na guro ay hindi batid ang gamit ng makabagong teknolohiy­ang ito.

Malaking suliranin ang kinakahara­p ng mga guro sa ESP sa lahat ng antas ng pag-aaral. Bagamat patuloy na lumalawak at lumulusog ang kalagayan ng asignatura sa panahong ito ng makina at plastik ay patuloy naman lumalaki ang pangangail­angan ng mga pamaraan at kabatirang nauukol sa kung paano higit itong matatangga­p, mapalalaga­nap, mauunawaan at maitataguy­od sa mga paaralan. Kasama na rito ang pagtuturo ng mga guro na hindi medyor ang ESP at naatasan lamang na magturo ng namumuno sa paaralan. Idagdag pa ang kakulangan ng mga kagamitang panturo na mkatutulon­g sa pagtaas ng antas ng pagtuturo ng mga guro.

Hinihiling ng mga kawani ng gobyerno na nawa’y matugunan ng pamahalaan ang mga suliraning ito upang mas maging kapaki-pakinabang ang pagtuturo ng mga guro at ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines